My Boy Bestfriend is Inlove
A/N:(YES YES! BORING CHAPTER AGAIN! HAHAHAHA BTW MAY BAGONG CHARACTER)
Jeci Cazandra's POV
NAGISING ako ng makita kong buhay na ang ilaw sa loob ng kwarto at ng wala na akong maaninag na liwanag sa labas ay doon ko na alala na gabi na pala.
Kaagad na hinanap ko si Maria ng hindi ko sya makita, tangkang uupo ako ay may nakita ako na lumabas galing banyo si Maria, hawak nanaman ang Cellphone nya.
"Oh, kalina kapa gising?" tanong nya, agad naman akong umiling.
"Wala pa sila Daddy mo, pero pwede ko namang tawagin si Manong para mag patulong ulit ibaba ka, o gusto mo na dito kanalang kumain sa loob ng kwarto mo?" tanong nyang sunod sunod sa kin.
"Sa baba nalang, baka maabutan pa natin sila Mommy at Daddy maka uwi." tumango naman sya at lumabas na para tawagin yung Body Guard na bumuhat sa akin kalina.
Nag inat inat pa ako ng kaunti at umupo na, ilang minuto pa akong nag intay ay dumating na ang bodyguard.
Ng maka dating na sa Dining area ay nakakapanibago dahil ang tahimik, naka handa na ang nga pagkain, pero kagit madami iyon ay hindi nakakagana dahil kaming dalawa lang ni Maria ang kakain.
"Gusto mo tabi tayo?" tanong ni Maria tumango nalang ako at ipinwesto nya nalang ako sa tabi nya.
Sya na din ang nag sandok ng pagkain sa akin, at magana syang kumain.
Kumain nadin ako para malibang kahit sa pagkain manlang ang mga nangyari kalinang umaga.
Nasa kalagitnaan kami ng pag kain ay may pumunta sa amin na isa sa mga katulong, sa tansta ko ay ang edad nya ay nasa singkwenta pataas na.
"Senyorita—"
"Jeca nalang po." putol ko sa sinabi nya dahil hindi ako sanay na tawagin sa ganoong paraan, kahit pa iyon siguro ang tawag nila sa akin ng mga panahon na andito pa ako at hindi naaksidente.
"Ah, uhm.. Jeca, may tao sa labas. Sabi nya kasi taga dito daw yung kakilala nya." kaagad na tinambol ang dibdib ko sa sinabi ng katulong.
"A-ano daw pong p-pangalan?" kinakabahang tanong ko, dahil ang pumasok kaagad sa isip ko ay si—
"Hindi eh, binatilyo eh. Kilala mo ba?" tanong ng katulong, agad ko namang naibaba ang kutsara at tinidor sabay tingin kay Maria na mukhang nagulat din sa sinabi ng Katulong.
"Uhm.. Maria pwede ba nating tignan." hindi mawala wala ang kaba ko habang sinasabi iyon kay Maria, agad naman syang tumango at tumayo, at iginayak papuntang pintuan.
Kabadong kabado ako kada segundo na lumilipas, at ng makalabas na kami ay nakita ko agad ang apat na kalalakihan na naka uniporme, na siguro ay mga bantay din.
"Kuya? Sino daw?" tanong ni Maria sa mga Bantay, agad naman silang nag bigay daan para makita namin.
Ng ibinukas ang maliit na parte ng gate ay mas lalo akong kinabahan dahil nakita ko agad ang bulto ng lalaki na naka talikod, mukhang inaayos ang sintas ng sapatos.
"Dre—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mag salita i Maria.
"Charles? Anong ginagawa mo dito?" nag salubong naman ang kilay ko at biglang parang bula na nawala ang kaba ko ng humarap ito sa amin.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Подростковая литература[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞