My Boy Bestfriend is Inlove
Jeci Cazandra's POV
"Huy!" napatingin ako ng may kumalaboy sa akin mula sa likuran, nakita ko si Charles na bagong lingo at malaki ang ngiti sa labi.
"Dun ka, naiinis ako sayo." tinawanan nya lang ako at ginulo ang buhok ko. Aba! Feeling close to?!
"Ano ba? Ginugulo mo buhok ko," inis na sabi ko sa kanya, akala nya nalimutan kona yung ginawa nya kalina? Eh halos dukutin na sya ni Drei sa selpon maalis lang ang yakap nya sa akin, pero heto sya ngayon at ngi-ngis ngisi?!
"Ito naman, mahilig lang talaga ako mang inis, tsaka friendly ako. Malay koba na maiinis ka sa ginawa ko? Eh mukhang hindi lang naman ikaw ang nainis kalina, pati yung kaibigan mo." talagang diniinan nya pa yung salitang 'kaibigan mo' e kaibigan kolang naman talaga si Drei, kaso talaga minsan kapag tinititigan nya ako hindi ko mapigilan na bumilis yung tibok ng puso ko.
"Asan si Maria? Bakit ikaw ang nandito?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Naliligo pa ata, matagal maligo yun eh, parang kinakausap pa yung tubig na wag syang basain." napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Oh hindi mo gets? Ang slowww~" pang aasar nya pa sa akin, hinampas ko naman sya sa braso at bigla syang napalayo at nanlalaki ang mga mata na ibinalik sa akin ang tingin nya.
"Naramdaman mo 'yon?" gulat na tanong nya sa akin, nag salubong naman ang kilay ko sa sinabi nya.
"Naramdaman ang alin?" takang tanong ko.
"Hindi mo naramdaman? Parang may ground?" gulat na balik tanong nya sa akin. Wala naman akong naramdaman, anong pinag sasa-sabi nito?
"Wala naman, bakit?"
"Ganito kasi yon, kapag daw nag hawak o nadampian ng balat ng isang babae o ng lalaki, kapag daw may naramdaman ng ganon, meant to be daw yon."
"At naniwala ka naman don? Ang corny kamo." nagulat naman ako ng bigla nya akong hawakan ulit.
"Oh! Hindi mo talaga ramdam? Grabe! Ang manhid mo!" inis na inagaw ko sa kanya ang braso ko at akmang hahawakan kona ang gulong ng wheelchair ay may pumigil sa likuran ko.
"San ka pupunta?" nainis naman ako, sa isang gabi at ilang oras na na-natili sya dito sa bahay ay bakit napaka feeling close nya? Dinamanprend.
"Bitaw, mag lilibot pako." ng mabitawan nya ako ay napaharap ko sa gate, napatingin ako sa itim na nakatigil sa tapat ng bahay, medyo may kalayuan pero kita ko kung gaano kaganda at kakintab ang kotse na iyon.
"May bisita kayo?" tanong nasa likuran ko, si Charles.
"Ewan, nakatigil lang eh." tukoy ko sa kotse na nakatigil sa tapat ng gate namin, tinignan kolang iyon at maya maya pa ay umandar na iyon ng palayo.
"baka may ginawa lang kaya natigil" biglang lumitaw sa gilid ko si Charles kaya naman madali kong pinaikot ang gulong papunta sa iba pang parte ng garden.
"Ang taray mo." napatigil ako sa sinabi nya.
"Ano?" kaagad na tanong ko, nakita ko naman agad na natigilan sya sa sinabi ko at napakamot ng batok.
"May kuto dyan sa batok mo?" tanong ko sa kanya, namula naman sya na ikinatawa ko, parang kamatis. >_<
"W-wala! Bye na inaantok ako." pagka sabi nya noon ay mabilis syang nag lakad paalis, papunta sa loob.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Teen Fiction[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞