•Chapter 37• Dinner/Kiss

949 109 86
                                    

My Boy Bestfriend is Inlove

A/N:( Dahil wala pang next episode ang Island Tale, ako'y mag uupdate muna.)


Zandrei Clyde's POV

"Have a seat." Halos hindi ako maka alis sa kinatatayuan ko kung hindi pa ako hinawakan ni Mama at iginaya paupo sa tabi nya, dahil hindi maalis sa paningin ko si An-an, na ngayon ay naka tabi na sa Mommy nya.

Ng maka upo na ang lahat ay hindi padin maalis ang tingin ko kay An-an, parang may dumagan sa dibdib ko ng magka salubong ang tingin namin pero agad syang umiwas, galit ba sya?

"You look familiar, boy." napatingin ako sa Daddy ni An-an na ngayon ay naka tingin sa akin. Parang may inaalala sya habang naka tingin sa akin.

"Yes hijo, you look familiar did we meet before?" dahan dahan akong tumango, at nagka tinginan naman ang mag asawa na para bang nag uusap sa pamamagitan ng mga mata.

"So, Vincent. Ito ang mag ina ko, this is Layla, and our son. Zandrei." pag papakilala nya sa amin ni Mama, napatingin ako kay Mama na ngayon ay naka ngiti, pero pilit iyon.

"Hello Layla, We meet again, remember? In the Hospital." magiliw nang ginang,

"Nag kita na kayo?" takang tanong ng Tatay ko, agad naman na tumango ang Mommy ni An-an.

"Nag kita kita kaming lahat, including your son, sa Hospital kung saan dinala si Jeca." sabat naman ng Daddy ni An-an.

"Kaya pala pamilyar din ang anak mo sa akin, sya pala yung kasabay ni Andrei sa Hospital, nice to meet you again hija." napatingin naman ako kay An-an na ngayon ay nahihiyang naka ngiti sa Tatay ko.

"Kayo din po, nice meeting you again po." parang kinilabutan ako ng nag salita si An-an, napatingin sya sa akin at agad akong inirapan. Galit ba talaga sya?

"So? Let's eat, lalamig na ang nga pagkain, ako ang nag luto nyan." Ng sabihin iyon ng Mommy ni An-an ay nag umpisa nang kumain ang lahat, kumuha nadin ako ng akin, ng susubo na ako ay napatingin muna ako kay An-an na ngayon ay naka nguso at naka tingin sa akin.

Masamang tingin.

Nginitian ko naman sya at agad nya akong inirapan, ulit. Napagtanto ko na hindi sya galit, malapit sa galit g nararamdaman nya ngayon pero alam ko namang agad mawawala iyon, kase nag tatampo lang sya.

Ang kalinang kaba na nararamdaman ko ay nawala na, dapat pala nag ayos pa ako ng onti, para mas pumogi ako.

"You like it Layla?" napatingin ako sa Mommy ni An-an ng tanungin nya iyon sa Mama ko.

"Huh?" tanging sagot lang ni Mama, nag taka naman ako dahil mukhang hindi sya komportable.

"Okay kalang?" tanong ng Tatay ko kay Mama, alanganin namang tumango si Mama.

"Hindi ba masarap? Bakit ganyan ang mukha mo? Wala naman akong nilagay na lason dyan." automatic akong napa tingin sa Mama ni An-an, kahit malambing ang pagkaka sambit nya ay parang may ibang kahulugan iyon.

"Martha, stop it. Kumakain tayo." marring pag saway ng Daddy ni An-an sa Mommy nya, napatingin naman ulit ako kay Mama na ngayon ay masama na ang timpla ng mukha, pero napalitan iyon ng matamis na ngiti. Napakunot ang noo ko, anong nangyayari?

"Medyo maalat lang, tsaka bakit mo naman ako lalasunin? Wala naman akong ginagawa'ng masama." napatawa naman ang Mommy ni An-an.

"Oh really? Wala?-"

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon