My Boy Bestfriend is inlove?
End Of Flashback
Mikee's POV
Ng huminahon na ang ginang na kalina ay tinawag akong anak ay agad nyang pinaliwanag sa akin kung sino ako at kung saan ako nararapat.
"Anak, please remember us, we are your parents, we've been looking for you for a few months but we can't find you, Jeca anak, please come with us." Halos mangunot ang noo ko nung sinabi nya iyon sakin, may parte sa pag-katao ko na gustong maniwala pero hindi ko magawa dahil pilit kong isinusuksok sa utak ko na may mga magulang ako at mapag mahal na kaibigan.
"Uhhh... Mikee labas muna 'ko nag text kase sakin si Mama." Napa tingin ako kay Drei, kalina pa siguro sya nakatayo doon. Ni hindi ko manlang napansin, tinignan ko sya sa mata nya, wala iyong emosyon. Hindi na ako nakapag salita dahil parang may pumipigil sakin na wag, dahil sa ilang buwan na nakasama ko sya ay kapag ganon ang itsura nya ay kahit ang mama nya ay hinahayaan lang sya na mag isa.
Ng makaalis na si Drei ay tumikhim naman yung lalaki na sabi nya ay sa daw ang 'Daddy' ko. Pinagsalitan ko ang tingin sa kanilang dalawa, ilang oras na silang andito pero madalang mag salita yung 'Daddy' ko daw.
"Jeci Cazandra."
Huh?
Napatingin ako doon sa lalaki ng mag salita sya, malalim ang kanyang boses, ng banggitin nya yung pangalan na iyon ay kinilabutan ako, may kung ano sa boses nya na talagang mag papakaba sayo.
"Yes you." Sabi nya habang tinititigan ako ng matiim, sa lahat ng tumitig sakin ay sya lang ata ang nakapag palambot ng buto ko sa tuhod.
"Po?" Tinuro kopa ng sarili ko para makasigurado na ako talaga ang tinutukoy nya, pero pinag taasan nya ako ng kilay na para bang sinasabi na.
Bobo ba U? Malamang ikaw!
"Your name is Jeci Cazandra Zamora. I'm your father and she, is your mother." Sabay turo nya sa babae na ngayon ay parang maiiyak nanaman, tinignan ko ulit yung lalaki at nag patuloy sya sa pag sasalita.
"And you'll come with us, after you discharge here." mautoridad na sabi nya, pero agad na nag karon ng agam agam, dahil pano nalang sila Mama? Si Papa? Ni hindi ko nga alam kung alam nila na meron'ng nag punta dito sa akin, ni hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman nila kung sasama ako dito sa dalawang nasa harap ko na nag papakilalang magulang ko.
"Pero po—" hindi kona naituloy ng sasabihin ko ng bumuntong hininga sya.
"No buts Jeci Cazandra, you'll come with us, whether you like it or not." napakunot ang noo ko sa sinabi nya, hindi ko nga alam kung nag sasabi ba sila ng totoo, pero sa isang banda ay natigilan ako sa pag iisip ng makita kong tumulo ang luha ng babae, parang may sumuntok sa dibdib ko.
"Jeca anak, makinig ka nalang samin ng Daddy mo, we're telling the truth anak." Puno ng pag susumamo ang boses nya ng ibaling ko sa kanya'ng tuluyan ang paningin ko.
"Pero hindi kopo alam kung nag sasabi ba talaga kayo ng totoo, pasensya napo pero hindi ko maiiwan ang Papa at Mama ko sorry po." Yun nalang ang naisagot ko at huminga ng malalim, tinignan ko silang parehas, kung sa itsura ay mapag kakamalan nga na sila ang magulang ko. Pero paano ang maiiwan ko kung sakaling sumama ako sa kanila.
"Mama? Papa?" tanong nung lalaki na ngayon ay nakak kunot ng noo.
"Opo, mga magulang kopo." sagot ko sa kanila, nag tinginan naman ang dalawa at sabay din na ibinalik ng tingin sakin.
"Anak, if you don't mind, can we talk to them?" pakiusap ng ginang sa harap ko, tumango naman ako bilang pag sang ayon.
"Alam moba kung anong oras sila pupunta dito?" tanong naman nang lalaki.
Umiling ako, dahil hindi ko alam kung saan pumunta si mama noong pagkatapos nilang mag talo ni Papa, at si Papa naman ay hindi ko alam kung gising na.
"Kung ganon ay mauuna na muna kami, ipapatawag ko ang pinsan mo, sya ang mag babantay sayo, mag bibihis lang kami ng pormal na damit. Dahil mga naka pang tulog pa kami, iiwan ka muna namin." Lintanya ng lalaki sabay nauna nang lumabas ng pinto.
Napatingin naman ako sa ginang na tumayo nadin at lunapit papunta sa kin at niyakap ako, ang sarap sa pakiramdam ng yakap nya, para kang hinehele, bago paman ako makaganti ng yakap ay hinalikan nya ang gilid ng noo ko.
Nangilid agad ang luha ko, hindi ko alam kung bakit. Pero ang sarap sa pakiramdam dahil feeling ko nag ang tagal kong nag lakad at nang yakapin nya ako ay parang doon lang ako nakapag pahinga. Parang tuluyan na akong naka uwe sa tahanan ko.
Ng kumalas sya sa yakap at humarap sa akin ay nakita kong umiiyak na naman sya, napa ngiti sya ng malamlam at tinitigan akong mabuti.
"Alam kong nahihirapan ka na paniwalaan ang sinasabi namin, pero alam kong ramdam mo, anak. Pilitin mong alalahanin lahat, dahil miss na miss na kita, hindi lumipas ang isang araw na hindi kita naiisip, dahil masakit para sakin na isipin kung nasaan kana, kung kumakain kaba ng tama, kung masaya kaba, dahil anak, sobra sobra akong nananalangin na sana makita kana namin."
Humihikbing sabi nya, inangat naman nya ang kamay nya para punasan ang hindi ko namamalayang luha na bumagsak sa mga mata ko.
"Aalis muna ako ah? Intayin mo kami ng Daddy mo mamaya, hahabilinan ko nalang si CJ na i check ka for time to time." Sabi nya saka umalis sa harap ko, ng makalabas na sya ng pinto ay doon biglang bumigat ang pakiramdam ko at bumuhos lahat ng emosyon na kalina kopa kinikimkim.
Habang naiyak ako ay pakiramdam ko ay yakap nya padin ako, mas lalong bumuhos ang luha ko.
Mommy...
Ipagpapatuloy...
A:N/ Josko! Salamat naman at nakatapos ako ng isang chapter, ang saya lang kase sa ilang linggo na hindi ako nakakapag sulat ay tuloy padin yung mga nag memessage at nag cocomment na nag tatanong kung kailang daw ba ako mag UUPDATE, nakakahiya talaga dahil kung hindi ko tatapusin to parang napaka iresponsable ko naman, so yun sana po magustuhan nyo itong chapter na to
@SHYWINGS
Please Follow
Vote
Comment
ShareSA BAWAT COMMENT AT VOTE, THANK YOU VERY MUCH!
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Teen Fiction[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞