Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DreiFanget:eto naman napaka seryoso, dikana mabiro๏︿๏
Kung pwede kolang to sabunutan ngayon nako! Nagawa kona talaga. Ang ginawa ko ay nag type agad ako ng reply.
"Me:kagigising molang?
Tanong ko sa kanya, kase isa lang naman sa dalawa ang pag pipilian, kung natulog sya, o hindi dahil sa chat nya kalinang madaling araw.
Agad naman nya na seen at nag type.
DreiFanget: kagigising kolang, pero nagising ako sa chat mo. Kasalanan moto, nananaginip pako, nanggigising ka←_←
Nanlaki naman ang mata ko sa chat nya. Ako? Kasalanan ko? Aba aba!
Me:kbye.
Tinignan ko muna tung chat nya na ako daw ang dahilan bat nagising sya? Inirapan ko naman yung Cellphone na para bang kaharap ko si Drei. Dahil naka connect na agad ang messenger at facebook ay napag isipan ko na tawagan si Hanna, gusto kolang mangamusta, ayaw kong ka chat si Drei, nakakabwiset.
Ng tatawagan kona si Hanna ay muntikan konang mabitawan ang Cellphone dahil biglang tumawag si Drei, oh.. I mean Video Call.
Pinatagal ko muna iyon ng kaunting ring bago ko sagutin, ng sagutin ko iyon ay bumungad naman agad sa akin ang mukha ni Drei na mukhang naka higa padin sa higaan nya.
"Hindi kapa nag uumagahan?" takang tanong ko sa kanya, dahil sa pag kaka-alala ko ay maaga si Drei gumising dahil pinapagalitan sya ni Tita kapag tanghali sya gumigising.
"Kalina pako gising, tinatamad lang ako tumayo, puyat ako kagabi eh." tamad na sabi nya at nag hikab pa.
"Ikaw puyat? Anong oras ka natulog? Sa pag kakatanda ko hindi ka marunong mag puyat Zandrei Clyde." kunot ang noo ko habang tinatanong sya.
Napakamot naman sya ng kilay at nahihiyang ngumiti sa akin.
"K-kasi ano... Walang kuryente, oo tama walang k-kuryente. Mainit kagabi kaya hindi kaagad ako nakatulog." napataas naman ang kilay ko at napangisi ako. Nanlaki naman ng bahagya ang mga mata nya.
"Kaya mong lokohin ang ibang tao pero Zandrei Clyde, hindi ako. Mag tigil ka, kagabi nung naka video call kita bukas ilaw mo, kahit inaantok ako matandain ako Zandrei Clyde." napasimangot naman si Drei. Napabuntong hininga naman sya at nag salita.
"Hindi kase ako makatulog dahil iniisip kita, kagigising kolang dahil napuyat ako kase iniisip kita, hindi ako nakatulog dahil ilang oras muna kita inisip kaya napuyat ako, Ngayon. Inamin kona, ngayon mo sabihin na sana nag sinungaling nalang ako." napatigalgal naman ako sa sinabi nya, ano daw? Ako inisip nya?