•Chapter 2• LIKE A BROTHER

4.4K 192 28
                                    

My BoyBestFriend is Inlove?

@};-
Binilisan kona ang pag huhugas ng mga plato kase naman simula ng ma-open namin yung topic tungkol dyan sa Ideal girl/boy namin ay hindi na sya nag salita.

Tinopak nanaman.

Pero kahit ganyan yan si Drei mahal ko'yan kase naman nag iisa lang akong anak ni Mama at Papa kaya naman parang kapatid kona talaga sya.

"Drei! Ikaw na mag lagay ng tinola sa mangkok nyo! Malapit nakong matapos dito!" sigaw ko sa kanya mula sa kusina namin para abot hanggang sala.

Hindi sya sumagot pero ng nag pupunas nako ng kamay saka sya pumasok at nilagyan nya ng tinola yung mangkok nila.

Lumapit ako sa kanya at sinundot ang tagiliran nya dahilan para mapaigtad sya.

"Mikee mamaya kana makipag asaran sakin nag lalagay ako neto, baka matapunan tayo." mahinhin nyang sabi habang hindi parin ako tinitignan.

"Ehhh! Bat kaba kase biglang tumahimik?!" ungot ko sa kanya.

Sya naman ay bumuntong hininga nalang at tumingin sakin.

"Kase naman Mikee hindi lahat ng oras kelangan nag haharutan tayo." sabi nya sa mahinhin na paraan.

Ay grabe sa harutan? Maharot ka ghorl?

"Hmmm... Sige na nga, bilisan mona dyan ng maihatid na natin yan sa inyo." sabi ko sabay punta sa kwarto ko para mag palit ng damit, nabasa kasi kalina noong nag babanlaw ako ng plato.

Maya maya pa ay lumabas nako sa kwarto ko at nakita ko si Drei na nag se - cellphone habang naka upo sa ibabaw ng malesa.

"Hoy lalake! Hindi dyan ang upuan, gusto mobang pig-sain yang pwet mo?" pangaral ko sa kanya, sya naman ay ngumiti lang at kinuha na ang mangkok nama'y lamang tinola at nag lakad palabas ng bahay.

Aba't hindi talaga ako hinintay?!

"Zamdrei Clyde! Talagang hindi moko iintayin?!" sigaw ko sa kanya, at sya naman ay nag patuloy sa pag lalakad.

"Bahala ka sa buhay mo!! Hindi kita lilibre ng kikiam!" sigaw ulet sa kanya, at syempre tumigil sya.

Favorite nya kase iyong kikiam tapos isinasawsaw nya sa sweet & spicy na sauce.

"Bakit kase ang bagal mo dyan tara na nga." Tumigil sya ng lakad at inilahad sa'kin yung isa nyang kamay.

"Nayyyy... Basta talaga libre at pagkain nagiging good mood ka'no?" asar ko sa kanya at sya naman ay ginulo lang yung buhok ko.

Maya maya pa ay tinanong ko sya.

"Drei magpa haba na kaya ako ng buhok?" tanong ko sa kanya, at sya naman ay kumunot lang ang noo.

"Maganda naman yung buhok ko straight naman sya tapos mas gaganda siguro kapag pinahaba ko'no?" tanong ko ulet sa kanya, sya naman ay inakbayan ako ng mahigpit.

"Wag ka'nang mag pahaba ng buhok di kaya bagay sayo!" tawa nya saken at lalo pang hinigpitan ang akbay sa'kin.

"Araaaay... Ano ba!? Dika ko maka-hinga papatayin moba ako?" singhal ko sa kanya at ngumisi lang sya at niluwagan ng kaunti ang akbay nya sa'kin.

Ng maka dating na kami sa bahay nila ay pina upo nya muna ako sa sofa set nila at sya naman ay inilagay ang ulam sa ref nila.

Pag lapit nya sakin ay may dala syang Stick-O chocolate flavor. Isang Garapon!

"Wohoyyy!! Aken yan?" tanong ko sa kanya sabay hablot ng Stick-O sa kanya.

"Hala?! Nakapal talaga mukha mo pag dating sa Stick-O ano?" sarkastikong tanong nya sakin.

Hindi ko sya pinansin at sumubo agad ng dalawa, sabay nguya.

Nom Nom Nom!!!

"Oy baka naman pwedeng tirahan mo'ko? Nakakahiya naman kase sayo!" hingi nya saken ng Stick-O.

"Hmmm..... Ang Sharap sharap tsalaga ng Ishtick-O." Hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang.

"Sige ubusin mo na'yan. Nakaka awa ka naman." sabi nya sa'kin. Ewan ko kung awa o inis yung nahihimigan ko sa kanya.

Hindi ko pa'din sya pinansin.

"Mikee."

Walang kibo.

"An-an."

Walang kibo.

"Pandak."

Walang kibo.

"Ayaw mo talaga akong bigyan?"

Walang kibo.

"Baby."

Natigilan ako sapag subo ng kinakain ko.

"Anong tinawag mo sa'kin?" mahinhin kong tanong sa kanya, at tinignan sya sa mata.

"Hehehe b-baby?" kinakabahang sagot nya sa'kin.

"Ahh... Baby? Baka gusto mong matapos ang taon na ito eh may bawas yang ngipin mo?" Banta ko sa kanya.

"A-ano kaba? Hindi ka'na mabiro! Ayaw mo kasi'ng bigyan ako nan! Ang damot mo An-an!" inis na sabi nya at humalukipkip at ngumuso.

"Oh eto na hati tayo! Wag ka ng ngumuso dyan at nag mumukha kang manok"

Tinanggap nya iyong garapon.

"Grabe kasa manok! Edi kung manok ako ako na ang pinaka gwapong manok sa buong mundo!" proud na proud nyang pang sabi.

''Ediwow Drei, pasalamat ka maganda ako at sinasakyan ko'yang trip mo." sabi ko sa kanya.

"Ha? Anong connect ng maganda ka sa pag-sakay mo sa trip ko? Mayghod! Nakaka loka!" Sigaw nya sakin sa tono na bakla bakla-an.

"Yikes! Ang bakla mo Drei!" tawa ko sa kanya.

"Hoy hindi ako bakla nag bibiro lang ako no!" inis na saad nya sa'kin.

"Nako Drei mag Out kana! May patanong tanong kapa kanina kung mag gigirl friend kanaba, tapos eto ngayon nilalabas mona yang pinaka tinatago mong sikreto!" asar ko sa kanya.

"Tss... Ewan ko sayo, minsan talaga napaka hina ng kokote mo." Inis na sabi nya sakin at napa tingin naman ako sa kanya.

"Bakit? Kahit naman bakla nag-kaka gusto ah? Sa mga lalaki ngalang.'' asar ko ulet sa kanya at humagikgik pa ako.

"I mean babae ang gusto ko'no!!"

"Sino naman aber?!" hindi ko alam kung bakit nainis ako bigla sa kanya.

"Basta may gusto akong babae na mabait, maganda! Basta lahat nung sinabi ko sayo kalina." sabi nya sakin at may nakakalokong ngiti na lumabas sa kanyang labi.

"Tss.. Edi ikaw na! Kayo na nung babaeng gusto mo!" padabog kong binaba yung garapon ng Stick-O at padabog na lumabas.

"Hoy An-an! Sandali! Bakit ba bigla ka nalang nagagalit dyan?" tanong ny sakin at sinamaan kolang sya ng tingin.

"Bahala ka sa buhay mo! Hindi kita ililibre ng kikiam!" sabi ko sabay nag lakad papalayo sa bahay nila.

————

" Tss edi sila na! Sila na mag sama! Sila na!!! Argghh!!" Inis na sigaw ko pag pasok ko ng kwarto ko.

Teka? Bakit ba'ko ganon mag react? Diba dapat masaya ako para sa kanya kase meron na syang nagugustuhang babae? Bakit naiinis ako?

Tsk! Bwiset!

Jusko anong nagawa ko? Baliw na'ba talaga ako? O mahina lang talaga ang kokote ko?


Itutuloy...

@SHYWINGS

@};-

VOTE/COMMENT

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon