My Boy Bestfriend is Inlove?
A/N:
WAIT DIKO PALA MA OPEN FACEBOOK KO, DIKONA BATI YANG FACEBOOK NAYAN AKOY NANGIGIGIL🙄
Humahangos akong bumangon ng napatingin ako sa paligid ko at ng tignan ko iyon ay ako nalang mag isa wala na si Maria, napatingin ako sa bedside table at ng tignan ko ang oras non ay 3:00am palang.
Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang lakas ng tibok noon, panaginip lang ba 'yon o isa yon sa mga ala ala kung bakit aki nahiwalay sa kanila?
Dahil base sa napanaginipan ko ay parang totoo lahat, hindi ko naman masabi kung si Mommy at Daddy ba iyon dahil hindi ko matandaan ang mga mukha nila, pero pamilyar ang paligid base sa huling pag kakaalala ko sa panaginip na iyon.
Imposible naman siguro kung sila Mommy at Daddy nga iyon dahil napaka sweet nila sa isa't isa, bakas sa mga mukha nila na mahal nila ang isa't isa.
Napahiga ulit ako dahil nahilo ako sa bigla na pag balikwas ko ng upo mula sa pag kakahiga, habang naka higa ako ay kubg ano ano ang mga pumapasok sa isip ko, paano kung hindi maganda ang mga alaala na nalimutan ko? Paano kung sa umpisa lang sila mabait sa akin?
Hindi ko maiwasang isipin yon dahil sa mga naranasan ko sa mga kumupkop sa akin habang wala akong naaalala, Mama, Papa.
Dahil aaminin ko na hindi ko anisip na iba sila sa akin, bukod sa wala aking kamukha sa dalawa, hindi kona inisip ang iba na pag kakaiba namin, ang tanga ko lang dahil noong una na narinig ko na nag uusap sila Mama at Papa tungkol sa pag bisita nila kay Mikee na ang akala ko ay ako, isang malaking kasinungalingan pala.
Pero hindi ko magawang magalit sa kanila dahil kung sa ibang tao ako napunta hindi ko alam kung ano ang magigibg trato ng mga iyon sa akin.
Si Drei? Alam ba nya? Bakit nung sinabinng Doktor na positive ang resulta ng DNA test ay parang hindi manlang sya nagulat? Walang bakas ng pagkakagukat sa mukha nya. Ang nakita kolang sa mata nya ay ang malamig na tingin at pananalita, bukod doon ay wala na.
Pero katulad kila Mama at Papa ay hindi ko din magawa na magalit kay Drei dahil bukod sa lahat ng tao na nakapaligid sa akin ay sya ang pinaka umalalay at sumuporta sa nga panahon na hindi alam ang mga gagawin ko, nasa tabi ko sya kung kailangan ko sya. Hindi nya ako iniwan.
Meron akong pag tatampo, pero siguro mawawala din yon kung makakapag paliwanag sila sa akin ng maayos, dahil kahit alam kong malaki ang mag babago dahil sa mga nangyari, alam king lalayo ang loob nila sa akin na ayaw na ayaw kong mangyari.
Hindi kona iisipin kung ano ang kahihinatnan ng pag uusap namin kapag nag punta na ako sa kanila. Pero susubukan ko padin dahil ayaw ko na merong isa sa amin ang nay sama ng loob.
Pero sa isang banda, dapat ba aking magalit? Dapat ba akong mag tanim ng sama ng loob? Sa mga sikreto na itinago nila sa akin, tama ba na ipagkait nila sa akin ang pag mamahal ng isang tunay napag mamahal ng mga magulang?
Sino ba ang dapat sisihin? Kahit papaano naman siguro maiintindihan ko.
Sana, pero kahit hindi, pipilitin ko.
Madami pa akong inisip hanggang sa hindi ko alam na naka tulog na ulit ako, nagising nalang ako sa liwanag na tunatama sa mukha ko, ng makapag adjust na sa liwanag ang paningin ko ay iginala ko ulit ang paningin ko, nakita ko si Maria na nag babasa ng isang Libro.
"Good morning." pag bati ko na pumukaw sa atensyon nya, agad naman syang ngumiti sa akin at ibinaba ang libro.
"Good morning din! Ang ganda ng panahon ngayon! Ang sarap mag paaraw sa garden, gusto mo?" masigla na tanong at pag aanyaya nya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Ficção Adolescente[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞