•Chapter 28•

789 76 49
                                    

My Boy Bestfriend is Inlove?

A/N: medj boring, sorry, may point of view na si Drei🤗

Ilang minuto din bago ako tumigil sa pag iyak, nakakapagod din palang umiyak, hindi padin humihiwalay si Maria sa pag kakayakap sa akin, siguro nakatulong din yon para tumigil ako sa pag iyak.

"Nung 17 years old ako ang pinoproblema ko kung pano ako makakapag pasa ng projects sa school, pero ikaw nako, napaka hirap ng sitwasyon mo." ramdam ko ang pag buntong hininga nya matapos nyang sabihin iyon.

"Hindi k-ko din alam Maria, a-akala ko k-kase okay lang lahat kapag nag punta ako kila Mama, h-hindi ko naman alam na g-ganon pala yung mangyayari." pag kukwento ko sa kanya, nangilid nanaman ang luha ko.

"Ang gawin mo, kung sa tingin mo okay na lahat, dun kanalang bumisita sa kanila." pag papayo nya sa akin na tinanguan ko nalang.

Hindi na sya nag salita, bumigat naman ang talukap ng mga mata ko kaya hindi kona pinigilan na makatulog.

NAALIMPUNGATAN nalang ako ng may tumatapik sa balikat ko, ng tignan ko kung sino 'yon ay si Maria lang pala.

"Andito na tayo, tara na." uminat lang ako saglit at inalalayan na maka baba at isakay ulit sa wheelchair. Ng makapasok na kami sa mansion ay bumungad sa akin ang tahimik na paligid, kung titignan lahat ng mga disenyo sa mansion ay talaga namang mamahalin, pero dahil sa katahimikan ay parang walang saysay iyon.

"Gusto mo ba munang mag pahinga?" tumango naman ako sa tanong ni Maria. Ngumiti naman sya agad sa kin at saglit na umalis.

"Tawagin kolang si kuyang Bodyguard. Papatulong lang ako, wala si Daddy mo eh." tumango naman ulit ako, nakakapagod mag salita.

Ng dumating na ang mag aakyat sa akin papuntang kwarto ko ay umayos na ako para mabuhat ako ng ayos paakyat.

"Salamat po." sabi ko sa Bodyguard na bumuhat sa akin.

"Walang anuman ho senyorita." magalang na saad nya.

"Mik-uh... Jeca nalang po, wag na po yung senyorita." nahihiyang sagot ko naman sa kanya.

"Sige Jeca, mauna na ako." tumango naman ako at tinignan ang bulto ng Bodyguard palabas ng pinto ng kwarto ko.

"Halika mahiga kana." napatingin naman ako kay Maria hiniga nya ako ng maayos at kinumutan, hinimas himas nya din ang buhok ko para madali akong maka tulog.

Bago pa ako makatulog ay nag ring ang Cellphone ni Maria.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, sige sige... Oo mamaya."

Hindi kona nadinig ang susunod na pinag uusapan ni Maria at ng kausap nito sa Cellphone nya dahil tuluyan na akong nakatulog.

Zandrei Clyde's POV

Napatingin nalang ako sa magara'ng kotse na sinasakyan ni Jeci, ng hindi kona maabot ng tingin ay doon na tumulo ang luha na kalina kopa itinatago mula ng dumating si An-an

"Bro? Ayos kalang?" nag init naman bigla ang ulo ko ng madinig ko ang boses na iyon, ilang araw nya na ako'ng sinusubukan kausapin pero sadyang iniiwasan ko talaga sya. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka mabugbog kolang to.

"Hey, stand up. Bakit ba andyan ka naka upo?" tinignan ko sya at nakita ko ang gulat sa mukha nya, agad kong nakita ang pawis na agad lumabas sa noo nya.

"Uh... I, uhm... A-anong ginagawa mo dito sa kalsada? B-bakit ka naka upo? At umiiyak ka?" sunod sunod na tanong mo sakin napa buntong hininga naman ako at tumayo na, ayaw ko syang kausap, baka kung ano pa magawa ko sa tao nato.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon