My Boy Bestfriend is Inlove
Gusto ko'ng humingi ng sorry kay Drei dahil mukhang napalakas ang tulak ko sa kanya, pero agad naman syang napuntahan ni Tita at sya na ang tumulong para makatayo si Drei.
"A-aray kopo... Nabalian ata ako ng balakang." Pag iinarte nya, napailing naman si Tita dahil sa asal ni Drei,
Nako Tita! Ang anak nyo po, mag nanakaw.
"Ikaw na bata ka, tumayo ka nga dyan, nakakahiya ka Drei—"
"Mama, Andrei."
"Andrei lang po."
Sabay pa naming pinutol ang sinasabi ni Tita, kase naman... Ako lang ang tatawag sa kanya na Drei, wala ng iba.
"Kayong mga bata kayo, o sya. Andrei bumalik kana sa upuan mo, at baka maabutan ka pa ng mga magulang nito ni An-an—
"Jeca kase Mama. Hindi An-an." iritable na sabad ni Drei sa Mama nya.
"Ewan ko sa inyong dalawa." pagka sabi ng Mama ni Drei non ay bumalik na ito sa pwesto. At ganon din si Drei, pero panay padin ang tingin nya sa akin.
"I'm Sorry, nag karoon ng emergency meeting, maiwan muna namin kayo dito." biglang sumulpot si Daddy sa tabi ko at mukhang nag mamadali. Ganon din si Mommy, kinuha nya lang ang pouch nya at agad akong hinalikan sa noo at nag paalam.
"Nasaan si Ysandro?" tanong ni Daddy, dahil nakita nya na walang naka upo sa pwesto ng Papa ni Drei.
"S-susunod n-na 'yon." tanging sagot ni Tita kay Daddy. Agad namang tumango si Daddy.
"Paki sabi nalang sa kanya pasensya na at emergency lang talaga. Salamat." pagka sabi no Daddy non ay hinalikan nya ako sa pisngi.
"Sa mga Body Guard ka muna magpatulong umakyat mamaya, mukhang gahabihin kami ng Mommy mo. Goodbye Princess." pagka sabi nya noon ay agad syang umalis at dumaretso palabas. Mukhang importante nga iyon kesa sa dinner, nauunawaan ko naman.
"Oh? Wala padin si Vincet at Martha?" bungad ng Papa ni Drei sa amin.
"May emergency meeting daw." sagot naman ni Tita. Napatango naman ang Papa ni Drei.
"Tara, kumain na ulit tayo, at inaantok nadin ako." Ani ni Tita habang inaayos ang kanyang upo, napatingin naman ako kay Drei dahil halata na ayaw nya pang umuwe.
Nag umpisa na kaming kumain at tahumik lang kami ng sumulpot si Maria sa tabi ko. Kalina kase ayaw nila lumabas ng kapatid nya, sabi nya nakakahiya daw, kaya hindi nalang din sya pinilit nila Daddy.
"Kumain na kayo?" Tumango naman si Maria bilang pag sagot, nakita ko na naiilang sya sa mga bagong mukha na nakikita nya, pero ng mapatingin sya kay Drei ay agad syang ngumiti at nag salita.
"Ikaw yung kaibigan ni Jeca diba? Ang yaman nyo din pala? Akala ko kase dun kadin nakatira sa baranggay kung san si Jeca pumunta non eh." Gusto kong takpan ang bibig ni Maria ng sabihin nya iyon, bakit feeling close agad sya kay Drei? Samantala hindi naman sila nagka usap?
"Ah, opo ako nga." Tipid na sagot ni Drei, malamang pati sya ay nailang ng mag salita si Maria, may pagka pranka banaman tong babae nato.
"Magandang gabi po, private nurse po ako ni Jeca, Maria Mikaela po." pag papakilala ni Maria sa magulang ni Drei, agad namang ngumiti ang Papa ni Drei.
"Nice to meet you hija." Bati ng Papa ni Drei, napatitig ako sa Papa ni Drei. Kung titignan talaga ay napaka gwapo nito, halatang pinag aagawan ng babae noong kabataan nya, at ng tignan ko si Drei, kahit ilang segundo molang silang tignan ay mahahalata mona talaga na mag ama sila. Dahil larang pinag biyak na bunga lang silang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Teen Fiction[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞