GH 39

4.3K 109 1
                                    

Kasalukuyang nasa nurses' station ako at binibigay ang contact person ni Belle in case of emergency. Good thing at maayos na siya, kailangan niya nga lang manatili rito sa hospital para ma-monitor ang lagay niya. Marami kasing dugo ang nawala rito.

"Okay na po, ma'am" alanganing sabi ng nurse at sinuklian ko ito ng ngiti.

Napabuntong hininga na lamang ako at bahagyang tinapunan ng tingin si Ramos. Hindi ako dapat mainis rito. Carl is the one who insisted for him to come with me.

Ayoko na ng mahabang usapan kaya hinayaan ko na. Isa pa, gulat pa rin ako sa mga sunod sunod na nagyayari. Maybe having a bodyguard around wouldn't hurt.

Agad kaming dumiretso pabalik ng ER katulad ng bilin ni Carl. Jasmine's still inside the emergency room, at hinihintay nalang namin ang sasabihin ng doktor.

Unfortunately, Carl still cares for that bitch. Ipinilig ko ang ulo ko at tinanggal sa isip ko ang babaeng iyon.

"Celine!" It was Toby. Lumapit ito sa akin at agad namang humarang si Ramos.

"It's okay. Kilala ko siya." I said dismissing him, pero hindi ito gumalaw at humingi lang ng pasensiya. Kumunot naman ang noo ni Toby rito. "Kaibigan ko siya, Ramos."

Nang hindi pa rin ito natinag ay laking gulat ko na lang ng balewalang linampasan ito ni Toby at dumiretso sakin.

"Sir-"

"Are you okay?" Simula nito. Parang bata ako na chinecheck nito. "I heard what happened."

Pinanliitan ko ito ng mata. "Pinapasundan mo ba ko?"

"Celine," Carl said approaching us. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha nito.

I started to panic. Alam kong hindi komportable si Carl kay Toby. I, myself, wasn't comfortable too. It's like having Carl and Lance in one room.

"I'm Toby," naglahad ito ng kamay.

Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Carl bago nito inabot ang kamay ni Toby.

"I've heard a lot about you," Carl said. "What are you doing here?"

"Come on, dude. I know that you know very well why I'm here," nakangising saad ni Toby na syang naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.

I wasn't born yesterday to not know that he's playing with Carl. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit.

"Don't play with me, asshole." Malamig na sabi ni Carl kasabay ng may panunuyang tawa.

"Excuse us, we have to go. I'll just call you later to set our meeting for tomorrow." Diretsahan kong sabi at hinila na si Carl pagkatapos non.

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon