Ginising ako ni Carl at sabay kaming bumaba para mag agahan. He was unusually quiet. Parang sobrang naging clingy rin ito. Simula kasi kanina hanggang sa pag baba namin ng hagdan ay hawak nito ang kamay ko.
Carl is sweet. Pero hindi naman ganito na parang ayaw na kong bitiwan.
"You're quiet," saad ko.
Matiim akong tinitigan nito. I suddenly felt conscious, kaya ako ang unang nag iwas ng tingin.
Narinig ko ang pagtunog ng telepono sa sala at ilang sandali pa ay nasa harapan na namin si Marie, isa sa mga katulong na nakuha ko.
"Ma'am tawag po para sa inyo," saad nito. "Toby raw po ang pangalan."
Napamaang ako sa narinig at naalala na makikipagkita ako rito mamaya.
Agad kong nilingon si Carl na nahinto sa pagkain. Seryoso ang ekspresyon nito ngunit hindi kumibo.
I want to assure him. Alam kong hindi ito kumportable kay Toby. Who would?
"Tumawag rin pala iha kaninang madaling araw si Sandy. Tawagan mo raw siya agad pag nagising ka na," banayad na sabi naman ni Manang Melba.
Paniguradong nag aalala na ang isang yon.
"Sige ho Manang, salamat." Tugon ko rito. "Marie, pakisabi naman kay Toby na nag b-breakfast kami. Ako nalang ang tatawag sa kanya mamaya."
Tumango agad ito at lumabas. Naiwan kami ni Carl kasama si Manang Melba na nakatayo lamang sa gilid. Nasanay kasi ito na ganoon. Kahit pa sinabihan ito na ayos na kami o iba na lamang ang tatayo sa gilid para mag abang ng utos. She said that she wants to do it. Kaya niya pa naman raw na gawin ito.
Siguro ganon lang talaga ang matatanda. They want to prove that they can still work.
"We need to talk," Carl said.
Mataman itong nakatitig sa akin. Tinanguan ko lamang ito bilang sagot. We really need to talk. Ayoko ng parati akong nag iisip. I realized that I need to know details about him. Tama si Sandy. Dapat alam ko.
Hanggang ngayon kasi ang dami pa ring mga bagay na hindi malinaw sakin. Mga bagay na hindi ko ponag tuunan ng pansin.
And maybe I'm doing things in a wrong way. Lagi nalang may nalalagay sa alanganin. Nakakapagod. I don't want to live like this.
"I'm going with you," buong sabi nito pagkapasok namin sa kwarto.
I wasn't surprise. Inaasahan ko na kasi na ipipilit niyang sumama. Pagkatapos ng nangyari kahapon? Alam ko ng hindi ko na ito mapapakiusapan ulit. It was my mistake. I underestimated Jasmine.
"Sinasabi ko lang ito sayo, Celine. Whether you agree or not, sasama ako."