GH 37

4.4K 85 0
                                    

Kasalukuyang nagliligpit ako ng aking mga damit ng pumasok si Carl. Nakabihis na ito.

"What are you doing, babe?" Takang tanong niya na nakatingin sa mga damit na nakapatong sa kama. "Papunta na rito si Manang Melba. Hayaan mo na syang magligpit nyan."

"I'm fine. Kaya ko na to. Diba may lakad ka pa?" Binitawan ko ang ilang damit na hawak ko at tumayo para ayusin ang necktie nito.

Lilipat na kasi kami mamaya at nakaligpit na ang lahat maliban sa mga damit ko.

Nangiti ako dahil titig na titig ito sakin. When I looked at him, he pouted.

"You should eat first. Nagluto ako. Hindi ka pa nagbe - breakfast," masuyong sabi nito.

"Matatapos na ko, bababa ako maya maya."

"Okay, I'll be back. Sabay na tayo mag lunch. Wala ka namang lakad ngayon diba?" Saad nitong hawak ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid.

"Wala, bukas pa yon," I retorted waiting for his expression.

Bahagyang nag igting ang panga nito. Hindi nito gusto ang ideya na makipagkita ako kay Toby.

Nang sinabi ko kagabi ang tungkol sa balak ng Uncle nina Lance ay alam na niya ito. What he didn't know was about Toby. It was hard to explain it to Carl at first.

"Carl," I called. "We already talked about this."

"Yeah, I just can-"

Before he could utter his worries, I kissed him. Ilang segundo itong natigilan bago gumanti ng halik.

It was a light kisses. Napasinghap ako ng laliman nito iyon. Parang biglang uminit ang paligid. Marahan niyang hinahagod ang likod ko at awtomatikong nagtungo ang mga kamay ko sa batok niya.

He groaned. Naramdaman ko ang pagpasok ng mainit na dila nito sa loob ng bibig ko.

I moaned in pleasure. He's good at this.

"Carl, malilate k-ka." Humahangos na sabi ko ng maghiwalay ang mga labi namin. His expression is dark. Titig na titig ito sa akin.

"You're a tease," pabulong na sabi nito. Magkadikit ang aming noo at hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakahawak sakin.

"I'll go with you tomorrow," biglang sabi nito na nakapag pasimangot sa akin.

"Pinag usapan na natin to, Carl." Humakbang ako palayo para makapag usap kami ng maayos. "You can't come with me. Ayokong mangyari na naman yung nangyari kagabi. You already agreed on this. Isa pa, kasama ko naman sina Ramos."

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon