GH 36

4.5K 106 4
                                    

Nagising ako mag a-alauna ng hapon dahil madaling araw na ko nakatulog. Pakiramdam ko ay pagod at antok pa rin ako. Kung hindi lang sa gutom ay paniguradong tulog pa rin ako.

I opened my phone, at agaran itong nag ring. It was Sandy. Ilang segundo ko ring tinitigan ang screen bago ko napag desisyonang patayin ito.

Pwede ko naman silang tawagan sabi ni Toby. Ayoko lang. Paniguradong alalang alala na ang mga yon at ang kausapin sila sa telepono ay hindi magandang ideya. Isa pa ay uuwi na rin ako bukas. Sana lang ay hindi sinabi ni Carl kina Daddy ang nangyari.

"Why don't you call him?" Toby queried while we're on our way home. Namili kasi ito at nagpumilit akong sumama para makabili rin ng damit. I'm not comfortable wearing men's clothes. "I'm sure he's damn worried. Your husband is an intelligent man. Thanks to him at natagalan si Uncle Henry na lumapit sayo, but that is a disadvantage in my part too dahil nahirapan din ako. I even used a business proposal just to get to you."

"You mean the CEE Company?" I asked scowling. Yon lang ang pumasok sa isip ko.

"Yeah," tumawa ito. "I thought you'll get it at papayag ka. Lance used to call you C, right? But I was wrong."

A small smile formed my lips. Iyon ang tawag ni Lance sakin kapag naiinis o naglalambing ito.

I didn't notice. I was too blind to see everything.

May tumawag kay Toby na dahilan ng biglang pagseseryoso nito. Wala kong ibang narinig sa kanya kundi 'okay' at 'yes' lang at binaba na ang tawag.

Nahanap ba kami ng Uncle nito? Wala pa naman kaming kasamang security. Toby is different. He's confident.

"May problema ba?" I ask trying to hide my panick.

Hindi ito sumagot at ngumisi lamang. Kasabay nito ang paghinto ng makina. Agad naman akong lumabas pag labas ni Toby.

Ang galit na mukha ni Carl ang sumalubong sa amin. Kasama niya sina Ramos.

Ngumisi ito at tinapunan ako ng tingin. His gaze is cold.

"Let's go inside," kalmadong saad ni Toby.

"We're not going anywhere," madiing sagot ni Carl. Tinutukan nito ng baril si Toby. He's damn mad. Mabilis ang paghinga nito.

My mind went blank. Ang tanging pumasok lang sa isip ko ay ang duguang mukha ni Lance sa mga panaginip ko noon.

"Carl, please put down the gun," I said. My voice is shaking.

"Umalis ka dyan Celine! What are you doing?" Dumagudong ang boses nito.

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon