Nangunot ang noo ko ng lumiko at pumasok si Carl sa isang eksklusibong village. Ang sabi nito ay mag d-dinner kami sa labas, na madalas naman naming gawin dahil wala naman kaming ibang kasama sa bahay para magluto.
"Sinong dadalawin natin?" Kaswal na tanong ko. Tinapunan ko lang ito saglit ng tingin bago ibalik muli ang mga mata ko sa may kalawakang kalsada at sa malalaking gate sa paligid.
"We're gonna visit our house here. Our home."
I stiffened at his overwelming words and bit my lip to contain myself. Lumingon ako sa nakagiting si Carl at sinuklian ang ngiti nito. What did I do to deserve this?
"This is my wedding gift to you." He announced as the car entered in an enormous gate. "No crying, babe. Am I scaring you?" Huminto ang kotse at agad akong hinarap nito. He looked worried, kaya naman kinalma ko ang sarili ko. I'm beginning to be a cry baby.
"Hindi. Ano ka ba?" I breathed, at mahinang hinampas ito sa braso. He looked relieved after hearing my answer.
Pagbaba namin ay sinalubong kami ng may katandaan ng babae. She's wearing a housemaid uniform.
Ipinakilala ito ni Carl sakin bilang Manang Melba. Ito raw ang magiging katiwala namin. Siya rin ang naging yaya ni Carl nung bata pa ito.
"Dalawa pa lang silang nandito kasama yung isang guard sa labas. I'm planning to have 6 helpers, para may kasama tayo dito sa bahay at syempre yung security." He said as he held my hand. "Si Manang Melba lang ang kinuha ko para ikaw na ang makapag decide sa iba. Ya, ito ho si Celine yung asawa ko." Nakangiting dagdag nito.
Magaan ang pakiramdam ko kay Manang Melba. Sumisigaw ang awra nito ng awtoridad, mukhang masungit and I like her that way.
Talking about security in our house is fine with me. Simula nang napapanaginipan ko na si Carl sa gabi ay hindi na ko mapakali.
I don't have plans on telling him about my weird dreams. I will work with this. Ayoko ng may ganitong pakiramdam. Yung parating nag aalala.
"Nakahanda yung dinner niyo sa taas. Sige na't kumain na kayo." Tugon ni Manang.
Pag pasok namin ay sumalubong sakin ang malawak na unang palapag kasama ang samu't saring mga mwebles. Nasa gitna ang malawak na hagdan.
The house looks classy, yet warm. Pampamilya ang dating nito, na may bahid ng pagka moderno. Napansin ko na pabilog ang bawat sulok ng bahay. Just like my parent's house.
"Kung may gusto kang papalitan ay ayos lang sakin. Just inform me para mapag usapan natin." Hinawakan nito ang kamay ko at sabay kaming umakyat sa hagdan.
Bawat palapag ay may carpet. Napansin ko ring kalimitang nasa mataas nakalagay ang mga mababasagin. Carl's preparing for a family. For a child.
When the time comes, I would be willing to give him the family he wants. He deserve it.
Kahit may takot na nabubuo sa sistema ko ay ipinagbahala ko na. It's time for me to give efforts. How can a relationship work if it is one-sided?
"It's fine. Everything here is good. Thank you." Was all I can say. Ewan ko ba. I suddenly became emotional. Ayan na naman nararamdaman ko na naman yung tubig sa mata ko.
"Hey," puna nito at hinila ako papasok sa isang kuwarto. He locked the door behind us. He looked serious as he held my face. "I'm scaring you." Saad nito at bumuntung hininga. "This is a bad idea. I should've told you about this."
"Ano ka ba, okay lang ako." I insist. Hinawakan ko ang dalawang kamay nito na kasalukuyang sa bewang niya at ibinaba. "I appreciate all of this. I love you."
Pumikit ito at pinisil ang palad ko. "That sounded heaven to my ears. You don't know how your words can affect me."
I smiled like a teenager there. Binitawan ko ang isang kamay nito habang hawak pa rin ag isa. Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang palad ko. He looked at me and we stared at each other for a moment.
Naramdaman ko na lamang ilang sandali pa ang pag haplos ng labi nito sakin. His manly scent gives shiver through my body.
Mababaw ang mga halik ni Carl, and I'm starting to want more of his kisses kaya naman kinagat ko ang labi nito ng marahan. He groaned.
Naramdaman ko ang mas malalalim at mabilis na paghinga ni Carl. Pinadausdos nito ang kanyang palad sa beywang ko. Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng likod ko sa malamig na pader. He cursed.
Ilang sandali pa ay tumigil ito, ngunit nanatili kami sa aming posisyon. Nakasandal ako sa pader habang hawak nito ang bewang ko at marahang hinaplos ng isang palad nya ang labi ko. I wanted to kiss him some more but restrain myself. I pouted.
"We should eat. Mag a-alas otso na, malilipasan ka ng gutom." He whispered.
I laugh. Literal akong tumawa at kumunot ang noo nito sa pagtataka. He just said na kumain na raw kami pero hindi pa rin umaalis ito sa harap ko. Are we really going to eat, or what?
"What's so funny?" Tanong pa nito.
Hinaplos ko ang mukha nito habang nangingiti. "Wala. Kumain na tayo?"