Alas onse na ng umaga ng magising ako at wala na rin si Carl kàbilang gilid ng kama. Kahit na inaantok ay pinilit ko pa ring bumangon. I need to work to find my sanity. That's the only way I know to distract myself.
Mabilis akong naligo at nag ayos. Hindi ko akalaing may mas ibibilis pa pala ko sa natural na bilis ko. Tama nga ang matandang kasabihan na pag gusto may paraan, at ito ang paraan ko. To work all day... keep myself busy.
Paglabas ko ng kwarto ay sumalubong sa akin ang amoy ng nilulutong pagkain. It smell so good at naramdaman ko ang gutom na kanina ko pa iniinda. Hindi pa naman ako nakakain ng maayos kagabi dahil nati-tense ako. I'm certain it's Carl, hilig yata nito ang magluto tuwing umaga.
Pagbaba ko ng hagdan ay dahan dahan akong naglakad sa sala, ignoring my starving stomach. Thank God, our house isn't that big. I need to get to the door fast bago pa ko makagawa ng ingay.
Napakunot ako ng noo ng hindi ko mabuksan ang pinto, and clenched my teeth when I saw that it's lock. What the hell...
I was fuming mad when I got to the kitchen, and there... I saw him preparing the table. He looked so damn good in a black v-neck grey shirt that I needed to remind myself of what he did to stop myself from oggling.
"Let's eat" malamig na saad nito at umupo ng hindi man lang ako tinitingnan.
I'll admit, his cold voice almost got me. Almost. What's with him? Baka nakakalimutan nitong siya ang may atraso saming dalawa.
Padabog kong inilapag ang bag ko sa bakanteng upuan na naging dahilan para mapatingin ito sakin. Nanaliti akong nakatayo. "What are you up to, Montereal?"
Bumuntong hininga ito at mariing pumikit. "I already told you that we're going to talk, but look at you? Mukhang ready ka ng pumasok sa opisina," he said in a mocking tone. "When will you ever listen to me, Celine?"
"Listen?" I hissed. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Carl is invading my emotions again, and I loathe it more this time. I seriously despise it. "Okay, then let's talk."
Nakatitig lamang ito sakin ng umupo ako sa kabilang dulo ng pang waluhan naming lamesa. It's a rectangular glass table na regalo ng isa sa mga bisita sa kasal. I didn't bother to get my plate, na kasalukuyang nasa tabi ng upuan nito. I may be hungry, but I don't have the appetite to eat in a situation like this.
Nag igting ang panga nito at nilapit ang plato sakin. My heart sank at his gesture. I'm starting to get confuse with everything. Walang imik itong naglagay ng pagkain sa mesa ko.
"What do you want to drink? Coffee? Juice?"
"I'm not hungry," pagsisinungaling ko "Mag usap na tayo. Talk now. I have many things to do."
Ayoko na magpa ligoy ligoy pa. Mas matagal mas gumugulo. My mind is clouded at habang nag iisip ako ay mas lalong pinapasukan ng kung anu-ano ang utak ko.