"Ms. Celine, okay lang po ba kayo?"
Malalim akong huminga at dahan dahang umupo. It's been a month since I woke up at dumating na ang kinatatakot ko.
"May sumasakit po ba sa inyo?" Nag papanic na tanong muli ni Eris. Kanina pa ito paikot ikot, hindi alam ang gagawin. "Yung ulo niyo po? Teka, tatawagan ko si Sir Carl-"
"No, I'm fine." Hindi ito pwedeng malaman ni Carl. I know how worried he was and still is. Ang kwento ni Sandy ay hindi na raw ito umuwi at halos tumira na sa hospital.
Nakita ko rin yon kahit pilit niyang itago. Kahit gising na ako non ay tumatanggi pa rin itong iwan ako.
"Sa init lang to kanina pag labas ko," which is half true. Dahil summer na at sobrang init. Lalo na't malakas ang aircon dito sa office. Baka nabigla lang ang katawan ko kaya ang sakit sa ulo.
"Ang ulo niyo po, masakit po?" Eris asked again.
"I'm fine, Eris. Ayusin na lang natin lahat ng dapat ayusin para makauwi tayo ng maaga."
Napatingin ako sa relo at nakitang alas sinco na. Kung pumunta kaya ako ng ospital ngayon? Ang bilin kasi sa amin ng doktor ay magpa test agad sakaling manakit man ang ulo ko. Obviously, I don't have the courage to do that. Bakit kailangang mangyari to kung kelan ayos na kami?
Nang isang araw nagsimula ang pananakit ng ulo ko. But I ignored it. Natatakot ako na baka nga may komplikasyon. Pero mas malala na ang sakit kanina. I have to do something.
Pumikit ako at kinalma ang sarili. This is the consequence of saving Toby's life. Hindi ko yon pinagsisisihan. Saving him helped me moved on.
Hindi ko na napapanaginipan yung aksidente ni Lance. Nawala yung mga what if's ko. Hindi na rin masakit kapag naaalala ko siya. Everything really happens for a reason.
"Pababa ka na?" Ivan asked entering my office. Sinimangutan ko ito. "Oh, I'm sorry. I forgot to knock... again" he laughed.
Prente itong sumalampak ng upo sa sofa at tinitingnan ang bawat kilos ko.
"Uwi na ko," I answered. Sasabihin ko itong nararamdaman ko kay Carl. Yon naman ang tamang gawin. I just got scared. Pero alam kong hindi niya ko iiwan. That will be enough for me.
"That's why I came here. Hindi ka pa pwedeng bumaba. Nagloko lahat ng elevators. Mamayang alas sais pa pwede," kaswal na sabi nito na parang limang minuto lang ang isang oras. "Pero kung mapilit ka, pwede ka namang mag hagdan." Sarkastiko pang sabi nito sabay ngisi.