GH 11

6.1K 110 2
                                    

It's already 5 in the morning. Sinubukan kong pumikit upang makatulog pero kahit anong pilit ko ay bumabalik sakin ang mga sinabi ni Carl kanina lang. Bumangon ako at automatikong napahawak sa sintido ko.

Am I really selfish?

Napabuntung hininga ako at umupo sa sala. Wala pa rin si Carl. He looked so disappointed.

I don't know what got into me, basta ko nalang kinuha ang lumang litrato ni Lance sa wallet ko. I loathe myself for being like this!

Nagtungo ako muli sa kuwarto dala ang lighter... I started burning the last picture I have. Dapat sinabay ko na to dati pa pero hindi ko magawa. I'm that weak and I hate it! Hindi ko na hinayaan ang sarili kong makapag isip at umatras, agad kong sinunog ang litrato.

I felt that something again, yung sakit... It's still the same. The pain is eating me alive. I can feel my body shaking as my tears came rushing down my bare face.

I hope this will be the last. For 9th time, I'm wishing to be happy.

--

Nagising ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw. Alas otso na.

Bumangon ako agad at nag ayos. I have an appointment today. Pinilit kong tanggalin sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I sighed, hindi dapat maapektuhan ang business namin ng dahil dito. Ayokong mag alala sina mama't papa.

I'm quick as usual. After 35 minutes ay naayos ko na ang sarili ko at ang lahat ng gamit na kaylangan ko.

Pagbaba ko ay naagaw ng atensiyon ko ng mga pagkaing nakahain sa mesa. I don't think umuwi si Carl. Sinilip ko din kasi ang cabinet niya bago ko bumaba at wala namang nagulo ron. Inilapag ko ang gamit ko sa sala at dumiretso sa kusina. When a note on the table caught my attention.

Celine,

You must eat. I'm sorry about last night, hindi dapat kita iniwan. Let's not talk about last, susunduin kita mamaya.

I felt a pang of guilt inside me. Carl's trying so hard to win my heart and I'm not that insensitive to not even notice everything he does. I smiled bitterly and ate the food that he cooked.

Nagmamadali akong lumabas ng elevator at napahinto ng makita ko si Eris, my secretary.

"Hey, sorry I'm late. Ok na ba ang board room? Mauna ka na don, kukunin ko lang yung mga kailangan ko sa loob" kaswal na sabi ko.

"a-ah eh..." Napatayo si Eris at mukhang nag iisip ng sasabihin "Ms. Celine our meeting was c-canceled"

"What??" bulalas ko. This meeting is kinda important to our company and its cancelled! Ilang segundo akong literal na napanganga.

"What happened?" I finally asked trying to calm myself down.

"Sorry po. Your husband cancelled it, pero nakaschedule na po ulit yung meeting next week," Nakatungong sagot nito "Nasa loob po siya ng office niyo."

Good thing na naka-resechedule ito. Alam kong hindi mahirap na bagay to kay Carl, I've heard that their company is damn big and popular. I don't know kung bakit kailangan niya pang ipa-cancel yung meeting, ang sabi niya naman susunduin niya ko.

I closed my eyes and counted to ten. Pagkatapos ay tinungo ko na ang loob ng opisina ko.

Pagpasok ko ay natagpuan ko si Carl na nakaupo sa mini sala while reading some documents. Agad itong napatingin ng bumukas ang pintuan.

"Let's talk," diretsong sabi nito.

I sighed. Akala ko ba ayaw na nyang pag usapan yon?

"I'm sorry" panimula ko, umupo ako sa bakanteng sofa kaharap nito. Alam ko naman, it was my fault. I've acted stupid again forgetting that I already have a husband.

"I know about him..." he said looking at me.

Alam kong alam niya, but when he said it directly to me I was still surprise.

"Let's not talk about it, please..." I replied

As much as possible ay ayokong pag usapan ito. Iniwasan ko to ng matagal na panahon, pati na rin ang mga taong malapit kay Lance... saming dalawa ni Lance ay iniwasan ko. Alam kong darating ang panahon na kailangan kong harapin lahat. He must be serious about our marriage. Hindi ko ito inasahan, ang inisip ko kasi ay marahil pinagbigyan lang din nito ang mga magulang.

Carl is a good catch kaya hindi pumasok sa isip ko ang ganito, him being serious about this. Magsasalita na sana ito ng biglang may tumunog na cellphone. Kinuha nito ang cellphone niya at ni-reject ang tawag.

"Okay. I'm serious Celine," Sinserong saad nito "I hope someday you can open up to me. I wasn't joking when I married you. I mean it. I-" Naputol ang sasabihin niya ng mag ring ulit ang phone niya. He sighed.

"Answer it. Baka importante" I said at dumiretso ito sa balkonahe ng opisina ko para sagutin ang tawag.

I don't know what to feel. Sunod sunod ang mga nangyayari and this? Wala ito sa plano ko. Ilang sandal lang ay bumalik si Carl para mag paalam. Something came up daw, I think I should thank that something.

---

A/N:

Pasensiya na sa super late na UD. Sa bakasyon babawi ako pramisssss. Votes and Comments po penge :D

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon