Kahit pa-ulit ulit kong inisip ay hindi pa rin ako nakakuha ng pwedeng sagot.
Magda-dalawang araw na ko naririto sa isang rest house sa kung saang parte ng mundo. Maraming nagbabantay.
Hindi pa rin siya nag papakita.
Simula ng magising ako kahapon ay wala kong ibang nakita kundi ang mga katulong rito at ang mga lalaking naka uniporme ng puti. Hinahayaan lang nila ko magpaikot ikot dito sa loob ng bahay at sa garden sa likod. Hanggang doon lang. I'm not allowed to go outside.
May telepono akong nakita pero wala akong balak gamitin ito. Ayoko munang isipin ang mga tao sa labas na paniguradong hinahanap na ako.
I don't want to care for now.
I want answers. I want to see him. I want to see Lance.
Kahit ngayong kaharap ko na siya ay hindi pa rin ako makapaniwala. We're in the same room. Nakaupo sa lamesa ng magkaharap.
Hindi ko alam kung anong gagawin. Kung ano ba dapat ang reaksyon ko. Kung ano ba ang dapat kong unang sabihin. Magagalit ba ako? Matutuwa? I don't know.
"I cooked for you," sabi nito "kumain muna tayo pagkatapos ay sasagutin ko lahat ng tanong mo. I know you have plenty of questions." He added sounding a bit weird speaking in our language.
I stared at him like crazy. Pinagluto niya ko. He doesn't know how to cook and now he finally knows.
Bigla kong naisip si Carl. Hilig kasi nito ang ipagluto ako.
"Busog ako, Lance" I said ignoring my inner thoughts.
"I am not your ex boyfriend. Hindi ako si Lance." Bumuntong hininga ito.
I sarcastically chuckled. "Please, stop this already."
"As much as I wanted to indulge your imagination, my conscience can't take it. And my late brother wouldn't like it too." Pagod na sabi nito.
"You think I'll buy what you're saying?" I hissed.
Kung pagod ito ay pagod na rin ako.
"Alam ko. Kaya nga hindi kita nilapitan dati. You're depressed and you'll go mad!" Tumaas ang boses nito na ikinagulat ko. Marahas niyang hinaplos ang kanyang mukha. "I assume you're fine now. Isa pa ay wala ka ng choice. You're life is in danger.
I'm Lance's twin brother. It may sound crazy but it's the truth. I know about you. I've seen your every day life after my brother died and I feel sorry."