GH 43

4.2K 86 0
                                    

"Po?" Napatayo rin ako tulad ni Toby. Agad ding tumayo si Carl para daluhan ako. He whispered 'calm down' to my ear.

Kung ano anong bagay na pwedeng mangyari kay Muriel ang pumasok sa isip ko. I shivered at the thought.

Agad nagtungo si Toby sa kwarto ni Muriel para tingan din ito. "Is there another door here?" Tanong nito at iling lang ang sinagot ni tita. Bakas sa mukha nito ang pag aalala.

"Tatawagin ko si Ramos," anunsiyo ni Carl. "Paniguradong hindi pa nakakalayo si Muriel. Imposibleng makalayo sila agad-"

"Ma,"

Isang tinig ang nagpalingon sa amin ng sabay sabay. It's Muriel. Galing ito sa kaperehong kwartong pinaglabasan nina tita at Toby kanina lang.

"Anak, san ka ba nagsuot? Pinapakaba mo ang mga tao rito," lumapit si tita kay Muriel at hinawakan ito para lumapit.

It's the same face. Ang ganda pa rin ng mukha ng batang ito na ngayon ay nagdadalaga na.

"Ate Celine!" She squealed. Lumapit ito at niyakap ako ng mahigpit. "Ang ganda niyo pa rin po. Kamusta? Is he your husband?" Sunod sunod sa sabi nito. Mataas ang boses niya. She's excited.

Tumango ako bilang sagot at pinakilala niya ang sarili niya kay Carl. I laughed.

"Muriel! Umupo ka nga ng ayos," tita hissed. Umiling ito gawa ng kakulitan ng kanyang anak. "Pasensya na Carl. Ganyan talaga ang batang iyan."

Tinitigan ko ang magandang mukha ni Muriel. She grew up beautiful like I imagined. Matapang ang mukha nito na kabaliktaran ng ugali niya. She's sweet like honey, pero iba ang aura ng pisikal na anyo niya.

"Ayos lang ho," sagot ni Carl.

"I want to give it to you," banayad na sabi ko.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa kama niya. Habang nag uusap naman sina tita sa sala. Nalaman ko na may dalawang kwarto itong tinitirhan nila at si Tita ang gumagamit ng isa. Nalaman ko ring nangungupahan lang sila. Dito na rin sila nagtagal sa Cavite pagkatapos ng mahabang pagpapalipat lipat nila.

Maliit lang ang kwarto niya. Isang single na higaan, kabinet at isang maliit na mesa ang narito. That made me think kung san sumiksik si Muriel. Dito rin siya lumabas kaya naman nagtataka ako't hindi siya nakita ni Tita at Toby rito. It's crazy.

"Hindi ko yon matatanggap, ate" saad nito sa seryosong tinig. "Kuya Lance gave it to you. May binigay siya sakin at meron din po sayo. How can I take it? Isa pa sobra sobra din ang binigay ni kuya. Kahit nga hindi na siguro ako magtrabaho e."

GLIMPSE OF HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon