Chapter 3
"Mabuti naman at nakinig ka sa payo ko na kumuha ng bodyguard sa ISPS. Dahil kung hindi ka talaga nakinig saakin malilintikan kana saakin."Eve glared at me at nakaamba pa ito na kukutusan ako.
I gave her a deadpan look before I shooked my head.
"So kelan daw magiistart ang bodyguard mo?"tanong niya pagkalipas ng ilang segundo.
Speaking of that. Muli akong napabaling kay Eve. Nikov told me that everything is okay now and he can start anytime I want. Signal ko na lang daw ang hinihintay niya. And he can start to work as my bodyguard. That means buong araw niya akong babantayan? Magkakasama kami araw-araw. I wonder if that's okay? I mean...
I shooked my head mentally. Ano ba 'tong mga iniisip ko. Of course he'll be with me wherever I am. He's my bodyguard at isa pa may day off naman siya at sunday iyon.
"Anytime. He's just waiting for my call then he can start."sagot ko sakanya na ikinatango naman niya."Then why are you not calling him now?"tinaasan niya ako ng kilay maya-maya pa.
"Uh... maybe because I don't need a bodyguard right now?"patanong na sagot ko naman sakanya.
"What do you mean you don't need a bodyguard right now?"she asked still raising her brow.
"Nandito lang naman ako sa bahay e. Balak kong next week na lang siya magsimula."I explained it to her.
"What!? No. Call him now. Laya na ang taong iyon, Nevaeh at hindi mo alam kung kelan ka niya aatakihin mas maganda na iyong sigurado. At isa pa I'll be out of the town for two weeks. At bukas na ang alis ko."she said.
"Ano? Wala kang nabanggit saakin?"napanganga ako.
"Biglaan lang. Kanina ko lang nalaman. At mapapanatag lang ako na iwan ka dito kapag may bodyguard kana kasama."she said, sighing.
"Fine. I'll call him. Pero mamaya na lang dahil nakacharge ang phone ko sa kwarto."
Kinabukasan naabutan ko si Eve na nasa kitchen, nakasandal ito sa may kitchen island habang umiinom ng kape ng makita na gising na ako ay nag-angat siya ng tingin saakin.
"Morning,"she smiled at me.
I smiled back at her."Morning! Ngayon na ang alis mo?"tanong ko.
She nodded."Yes."saka nilapag niya sa table ang kape na hawak."Nasan na ang bodyguard mo?"she asked.
Oh shoot! Natigilan ako. Wala sa sariling napangiwi ako ng maalalang nakalimutan ko pala tawagan ang bodyguard ko kahapon.
"Let me guess...nakalimutan mo? Nanaman."she raised her brow. Nakahalukipkip saakin.
I laughed nervously. Napakamot ako sa ulo saka muling sumulyap sakanya.
Iwinala ko ang usapan tungkol doon."Mamaya tatawagan ko. Wag ka na masiyadong maistress saakin, Eve. At magfocus kana lang sa trabaho mo. Ayan nga at mamaya ay aalis kana hindi ba?"
Napabuntong hininga na lang si Eve at hindi na nagsalita pa.
"Please contact your bodyguard. Hindi ako mapapanatag kung wala kang kasama dito."she said worriedly.
"I will. Kokontakin ko ang bodyguard ko pagkaalis na pagkaalis mo. Kaya huwag ka ng mag-alala pa. Ingat ka sa biyahe, Eve."I grinned happily at her.
Ilang segundong nakatitig lang saakin si Eve saka siya tumango at ngumiti saakin.
"Ingat ka din, Eva."
She used to call me like that ever since we first met. Sabi niya para daw kaming soulmate. She's Eve and then she called me Eva. Siya ang nagbigay sa akin ng nickname na iyon. Dahil parehas kami ng pangalan madalas kaming pagkamalan ng mga tao na magkambal. Minsan nga ay napagpapalit pa nila ang pangalan naming dalawa. Ever since Eve came in my life I was named Eva. And I was actually happy with it. Ang mga taong nakapaligid saamin noon ay nasanay ng tawagin akong Eva at halos nakalimutan ng Nevaeh ang buo kong pangalan. Sa pamamagitan ni Eve pakiramdam ko nabago ang buhay ko at nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagsimula ulit. She's really a big part of what I am now.
Napailing ako at mahinang natawa sa sarili. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging emosyonal. Nakaalis na si Eve siguro ay mamimiss ko siya kaya ganito ako. Hindi kasi ako sanay na matagal nawawala sa bahay si Eve. Tatlong araw ang pinakamatagal niyang wala sa bahay. She hate traveling. Mahiluhin kasi iyon sa biyahe.
Speaking of Eve...naalala ko ang huling bilin nito kanina bago umalis.
"Call your bodyguard and send me a picture of him."she demanded, para siyang si miss Minchin.
I laugh at the back of my mind.
"Bakit naman? And how am I supposed to get a picture of him? Baka ano pa ang isipin nun."napasimangot ako.
Inirapan niya ako at umiling."Just do it. Para sigurado ako na andito talaga siya at may kasama ka. Huwag mong kakalimutan. Kapag kinalimutan mo kalimutan mo na din na may bestfriend ka."pagbabanta niya.
"H-Hey! That's too much."I gulped nervously.
"Whatever. Aalis na ako."saka nagsimula na siyang maglakad. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay hinabol ko siya.
"Wait! Eve!"tawag ko.
Huminto naman siya at nilingon ako. Nasa labas na ang sundo niya. Isang van. Siguro iyon ang gamit nilang sasakyan sa department niya.
"Bakit?"she asked.
"Take care, Eve. Pasalubong ah. Goodbye!"I smiled widely as I wave my hand goodbye.
Mahina siyang natawa saka lumapit at yumakap saakin."Take care too, Eva. And see you next next week. Don't miss me too much."she joked.
Parehas naman kaming natawa saka tuluyan na siyang nagpaalam at umalis.
Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. I dialled his number. Isang ring lang at may sumagot na agad sa kabilang linya pero walang nagsasalita.
I faked a cough."H-Hello..."
No response.
"Ah. It's me Nevaeh. Did I disturb you? Still sleepy? Maybe I'll just call la..."
"You took the whole day to call me? Kahapon pa ko naghihintay sayo."he sounded mad.
I bit my lower lips.
"Ha?"napatanga ako sa kausap ko. Nang matauhan ay ngali-ngali akong nagsorry sakanya at nagpaliwanag."Nakalimutan ko kasi. But h-hey I called you now. Puwede ka ng magsimula. A-ano can you come to my house today? Ako lang kasi ang tao dito. And my best friend was so worried about me."
"Five minutes."he answered huskily.
"Huh?"
"I'll be there in five minutes."pag-uulit niya.
"Oh,"napatango naman ako."Okay then. I'll be waiting...and...uh...ingat ka sa pagmamaneho huwag masiyadong mabilis."
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o narinig ko siyang mahinang tumawa.
"I'm a bodyguard."he told me as if that explained something.
Nahihiya naman akong napapikit ng mapagtanto ang punto niya. Of course he knows what he's doing. Hindi ko na siya kailangan paalalahanan. In fact that's his job.
"O-okay. Bye!"dali-dali kong binaba ang linya dahil sa hiya.
BINABASA MO ANG
Taste of Hell
RomansaMajestic Five (3) Nevaeh Astof been through hell since she was born in the world. Malupit at puno ng paghihirap ang mundong kinagisnan niya. She was tortured to death, she almost died. And hope? she lost that years ago, pero ng mabigyan ng pagkakata...