Chapter 6

1K 39 0
                                    

Chapter 6

"Ate Nevaeh! You're here!"she looks shock and happy at the same time. Lumapit siya saakin at tila nagpipigil na yakapin ako.

"Hi, Nikka."I smiled shyly at her.

This is his family. I wonder where are their parents? Siguro ay nasa trabaho pa ang mga ito.

"Wow! You still remembered me! I'm so flattered!"mahina nitong tili na parang hindi makapaniwala.

"Nikka, that's enough. She'll be staying here from now on."anunsyo ni Nikov na ikinalaki ng mata ni Nikka.

"Really!?"excited na bulalas niya.

Nikov nodded and he look at his sister, sighing."Yes. So please be mindful of your actions. You're not allowed to tell everyone that she's staying here."

Nikka nodded attentively."Copy that, kuya."

They are very accommodating. Pero hindi ko nakilala ang magulang nila ngayong gabi. Nikka is a really good girl. Mabait na bata at maganda. If she wants to be an idol walang duda na madaming susuporta dito. Natapos ang dinner at nagpaalam na si Nikka na aakyat na sa silid niya dahil exam week daw nila ngayon at kailangan niyang magreview. She was sad that she couldn't hang out with me tonight. But she told me after her exams magmomovie marathon daw kami which later on I found myself agreeing to her. She's jolly and she have a way to persuade other people.

"You'll sleep here."napalingon ako kay Nikov.

"Sa kwarto mo? Paano ka?"napahinto ako.

"I'll sleep in the guestroom."sagot niya.

"Hindi ba dapat ako ang matulog doon kasi ako ang b-bisita lang?"nag-aalangang sabi ko.

"Dito kana matulog. Magpahinga kana. You have to wake up early tomorrow. Kanina noong tulog ka tunog ng tunog ang cellphone mo. I think you have a busy sched tomorrow."

I stilled and stared at him. Shit! He is right! May tv show guesting ako bukas. Hindi ko alam kung kaya ko bang magtrabaho sa ganitong kalagayan ko. Pero may mga tao din na umaasa saakin. May mga ibang trabaho na maapektuhan kung hindi ako magiging professional sa trabaho ko.

"Goodnight."paalam ni Nikov at lumabas na ng silid.

Ako naman nagtungo ako sa kama at humiga.

But I couldn't sleep. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na sinusubukang makatulog pero kahit anong subok ko hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Kaya naman hindi ko mapigilan ang mag-isip.

Wala na si Eve. She's gone. And she will never ever come back. Hindi ko mapigilang isipin kung kasalanan ko ba kung bakit namatay siya? May kinalaman ba ang taong iyon sa pagkamatay ni Eve? Sa isipin na iyon ay nag-igting ang panga ko at naikuyom ko ang kamao ko sa galit. Kung may kinalaman nga siya bakit kailangan niya iyong gawin? Kung ako ang pakay niya bakit kailangan niya pang idamay ang mga inosenteng buhay?

Mapakla akong natawa ng maalala ang babaeng nadamay din noong tumakas kami ni mama sa demonyo na iyon. She was also killed by that man. Hindi ko alam kung ilang buhay na ba ang nadamay dahil lang sa kabaliwan ng demonyo na 'yon!

Malakas akong napasigaw at napabangon ng bangungutin ako. Habol-habol ko ang hininga ko ng magising. Nanginginig ang buong katawan ko at nagsisimula na akong mataranta. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero walang nangyare. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Nikov doon.

"Nikov!"humahangos akong tumakbo at yumakap sakanya."Nikov! He's going to get me. Papatayin niya ako!"takot na takot na sabi ko.

"Ssh."marahan niyang sinuklay ang buhok ko na para bang pinapakalma niya ako."No one's gonna harm you here. Dadaan muna sila saakin bago ka nila masaktan. They have to kill me first before they can hurt you but I won't let that happen."pag-aalo niya saakin.

Humigpit ang pagkakayakap ko sakanya. Ilang segundo pa ay binuhat na niya ako at dinala sa kama. Inihiga niya ako doon tsaka tumabi siya saakin.

"I'll sleep here tonight. Babantayan kita. Kaya hindi mo kailangan matakot."he said.

Parang bata ko siyang tiningala tsaka tumango.

"Nikov..."

"Hmm?"he started playing with my hair.

"Please don't die...don't die while protecting me."I said softly.

Hindi siya umimik.

"Nagkaroon ako ng bodyguard noong bago lang ako sa trabaho ko. Sobrang saya ko nun kasi pakiramdam ko may magtatanggol na saakin at magiging ligtas na ako."pagkukuwento ko. Humigpit ang hawak ko sa kumot habang inaalala ang nangyareng iyon."Pero...pero...nagkamali pala ako. Dahil saakin may kinailangan nanamang magbuwis ng buhay...p-para maprotektahan ako may namatay nanaman. He died while protecting me. Hindi siya nag-alangan na protektahan ako at ipatanggol kahit na kapalit pa niyon ang buhay niya. I don't want that to happen again. Kaya simula noon hindi na ako kumuha pa ng bodyguard. Pakiramdam ko walang kahit na sino ang kayang prumotekta saakin kahit na ang batas ay hindi kayang gawin iyon."isa iyon sa mga bangungot na patuloy na humahunting saakin gabi-gabi.

"I won't die."

Sumulyap ako sa mukha niya. He's still playing with my hair, caressing it.

"Don't die. Please."

"I won't. I won't."he shooked his head."I promise."nangangakong sabi niya.

Dahil doon ay parang napanatag ako."Thank you."I yawned.

Maaga akong nagising kinabukasan pero mas maagang nagising si Nikov saakin dahil paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. O baka lumipat siya sa ibang kwarto?

Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Nasalubong ko si Nikov na kakaakyat lang.

"Goodmorning."he greeted me.

"G-Goodmorning. Sorry kagabi. Naabala kita."nahihiyang hinging paumanhin ko.

"That's fine."he nodded."Nakatulog ka ng maayos?"he asked me.

"Y-yeah."Surprisingly. I did had a good sleep last night.

"That's good. Handa na ang breakfast. I was about to wake you up. Good thing you're awake now. Let's go downstairs?"aniya sa malumanay na boses.

"Sige."I smiled at him and followed him.

"Goodmorning, ate Nevaeh!"Nikka greeted me energetically."You have a tv guesting today right?"she smiled at me.

"A-ah, yes."I nodded.

Ipinaghila ako ng upuan ni Nikov at nakangiti naman akong nagpasalamat sakanya tsaka naupo.

"Diba, kuya tama ako?"bumaling si Nikka kay Nikov.

Nikov didn't say a word he just sigh at his sister.

"I know most of her schedules. Nililista ko kaya."she said proudly.

"You sounded like a stalker, Nikka."naiiling na komento ni Nikov na mahina ko namang ikinatawa.

"That's fine. Nikka is so cute anyway."

"So kapag cute ang stalker ayos lang?"naamused na tanong ni Nikov saakin na umupo na din sa kaharap kong upuan.

Napanguso naman ako tsaka napailing."Hindi naman sa ganoon. It's just that Nikka is too cute to be a stalker."paliwanag ko.

"Oh my god! Dalawang beses akong nakatanggap ng papuri galing sa nag-iisang Nevaeh couldn't I get any luckier today. Gosh!"she was like talking to herself."Too bad I couldn't tell any one from my school that you're staying in our house. Siguradong pag nalaman nila maiinggit sila saakin."she grinned.

"Don't dare to tell anyone, Nikka."may warning sa tono ni Nikov ng sabihin iyon.

"I know. I won't tell. Geez. You're so scary, kuya. Sige ka baka matakot sayo itong si ate Nevaeh baka maudlot pa ang pagkakaroon ko ng sister-in-law."Nikka grinned sheepishly at him.

Umiling na lang si Nikov na parang naiistress sa mga pinagsasabi ng kapatid.

While I was smiling the whole time looking at them. I can really tell they love each other. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid? Guess. I wouldn't know that feeling since I'm an only child.

Taste of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon