Chapter 4
"Hey! Hi! Ah, Come in!" tuluyan ko nang binukas ang pinto at nakangiting sinalubong si Nikov na kadarating lang sa condo.
He is wearing a civilian clothes. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayoko ng masiyadong formal o iyong halatang bodyguard siya. Hanggang ngayon kasi ay naiilang pa rin ako na may bodyguard na ako ulit at hindi ko makalimutan iyong nangyari sa una kong naging bodyguard. He died while doing his job.
"Nag-almusal ka na ba?" I asked him.
Ganito rin ang trato ko sa naunang bodyguard kaya sanay na ako na ganito ang pakikitungo.
"Tapos na. Hindi naman puwedeng pumunta ako rito ng hindi pa nag-aalmusal. Breakfast is the most important meal, Miss Astof." he answered.
Bigla ay nakaramdam ako ng ilang sa sinabi niya. Now, I don't know how to act! Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang bagong bodyguard ko.
"Pero kung hindi ka pa kumakain puwede kitang sabayan." napatingin ako ng magsalita siyang muli.
"Talaga? Hindi pa nga ako kumakain kakaalis lang din kasi ng bestfriend ko." I smiled at him.
"Anong gusto mong kainin? Ah, we only have pan, ham, eggs, nuggets and fried rice for breakfast. Ayos lang ba iyon sa iyo?" I asked him, in hesitant.
"I'll just have coffee." he answered.
"Oh. Sige ipagtitimpla kita." I voluntarily said.
Pagkatapos ko siyang gawan ng kape ay inilapag ko iyon sa table.
"And I have a favor to ask," I said, shyly.
Nangunot naman ang noo niya, "Hmm?"
"Puwede bang magpicture tayo?" I asked him. Nang makita kong nagsalubong ang kilay niya agad ko iyong sinundan ng paliwanag.
"I'm sorry. Ang weird nga naman ng hinihingi kong pabor sa iyo pero iyong bestfriend ko kasi gusto niya na may proof na kasama ko na ang bodyguard ko. Hindi kasi iyon mapapalagay kapag hindi ako nag send. Ayoko siyang pagalalahanin lalo na at nasa biyahe siya."
"You two must be really close, huh? You live together?" tanong niya, iba ang tono at hindi ko naman mawari kung ano iyon.
"Yeah." sagot ko, "Can we take a picture for proof lang? Kahapon pa kasi ako kinukulit nun. Ah, is it okay?"
"Sure." tumango siya.
"Thank you!"
Pagkatapos naming magpicture ay isinend ko na iyon agad kay Eve. Naseen niya agad pero hindi siya nagreply. Siguro dahil hirap bumiyahe iyon.
'Call me later when you get there safe, Eve.'
Then I hit the send button. Katulad kanina ay naseen agad iyon ni Eve pero katulad kanina ay hindi siya ulit nagreply. Ibababa ko na sana ang cellphone ko at babalik na sa pagkain ng makitang typing si Eve.
Hinintay kong magreply siya pero maya-maya lang ay nawala na ang typing at wala siyang naging reply. Nangunot ang noo ko sa pagtataka at hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa conversation namin ni Eve.
Eve? Are you okay?
"Something happened? Are you all right, Miss Astof?" Nikov worried voice pulled me out from overthinking.
I smiled at him reassuringly before nodding my head, "Yes...Yes, I'm fine. Thank you."
Two hours had passed at wala pa ring paramdam si Eve. Hindi naman siya ganito kapag nasa biyahe before. Dahil mahiluhin siya sa biyahe hindi siya nakakapagtext kaya naman madalas ay sa tawag kami nag-uusap. And she update me from time to time. At madalas ay nabobored siya kaya kailangan niya ng makakausap para madistract siya at makalimutang nasa biyahe.
'Eve?'
'How are you?'
'I don't know why but I'm worried. Hindi ko alam kung nagiging paranoid lang ba ako o...please call me or just send me a voice message.'
Still no reply.
Hindi mapakali akong umupo sa couch at binukas ang TV. Napatingala ako ng makita si Nikov. He went outside for a while. Sabi niya ay titignan niya ang paligid. He said it's about his job.
"Hi. Nakabalik ka na pala." I said to him.
Tumango siya at nanatili pa rin sa akin ang tingin, "There is something wrong, right? Is it because of your best friend?"
Wala naman akong ibang mapaglalabasan nitong nararamdaman ko right now kundi siya lang, he is all I have.
"I don't know what's going on. It's not like hindi pa siya bumiyahe noon pero kasi..." I bite my lips worriedly, "hindi pa siya nagchachat o kahit tumawag man lang. And she's not like that. Mahiluhin siya sa biyahe but she usually update me from time to time ngayon lang nangyari na wala siyang tawag o kahit chat man lang."
"She?"
"Yes. Si Eve. She's my bestfriend." I nodded.
"Did you try calling her phone?" he asked, tila nag-iisip na rin.
Napailing ako.
"Hindi. Pero kanina naseen niya ang mga chat ko. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko ngayon e." pagsasabi ko ng totoo.
"Then call her now." utos niya.
Like what he told me I called Eve. Pero hindi siya sumasagot.
"Eve...pick it up. Ano bang nangyayari? You're making me anxious." wala sa sariling sambit ko habang panay lang ring sa kabilang linya.
"She's not picking it up." naiiling na sabi ko kay Nikov pagkatapos kong i-dial ang numero ni Eve ng limang beses at panay ring lamang iyon.
"Saan ba siya papunta? I'll try to track her car. Uutusan ko ang mga tauhan...I mean ang mga kasama ko sa ISPS."
"I don't know the van's plate number but maybe I can ask from her company." sagot ko at agad na dinial ang kompanyang pinagtratrabahuan ni Eve.
Pagkatapos kong mahingi ang plate number ay agad ko na iyong ibinigay kay Nikov. He told me to wait and he needs to call someone.
Habang naghihintay ay hindi na ako mapalagay lalo na at noong tumawag ako sa kompanya na pinagtratrabahuan ni Eve sinabi sa akin doon na hindi na din sila macontact.
Nang makabalik sa sala si Nikov agad akong tumayo at sinalubong siya.
"N-nahanap niyo ba ang van na sinasakyan nila Eve? They are fine right? Ayos lang naman siya hindi ba? Siguro mahina lang ang signal kaya ganon?" kinakabahang tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot.
"Nikov?" untag ko sa kaniya.
"I'm sorry." was all he could say.
Sa tono at sa itsura niya hindi ko na kailangang magtanong. Alam na alam ko ang ganyang reaction.
"N-No! No! Please tell me you're just joking?" nanginginig na tanong ko.
"Hindi puwede! No! Not Eve please! Not her!"
"The van got into an accident. The passengers including the driver didn't make it." Nikov informed me.
BINABASA MO ANG
Taste of Hell
RomanceMajestic Five (3) Nevaeh Astof been through hell since she was born in the world. Malupit at puno ng paghihirap ang mundong kinagisnan niya. She was tortured to death, she almost died. And hope? she lost that years ago, pero ng mabigyan ng pagkakata...
