Chapter 5

1K 38 2
                                    

Chapter 5

"Sumabog ang sasakyan. Bago pa makalabas ang kahit sino sa loob ng van ay sumabog na iyon. Malakas ang nangyareng pagsabog na halos hindi na makilala ang ilan sa sakay ng van."

Dalawang oras ang tinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa pinangyarihan ng aksidente. Marami ng nagkalat na mga police doon at ambulance. Pati ang media ay nandoon din.

Hindi maproseso ng utak ko kung anong nangyare sa van na sinasakyan nila Eve. Nagpaalam pa siya kanina. Niyakap niya pa ako. She was smiling at me. Kaya paanong patay na siya? She even told me that she will see me next next week. Babalik siya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sana pala ay hindi ko na lang siya binitawan sa pagkakayakap ko sakanya kanina.

Nang makilala ako ng mga reporters agad nila akong dinumog ng tanong pero nasa state of shock pa ako at hindi makapagsalita. Nanginginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay bibigay na ako. Pero bago pa man ako bumagsak ay may agad na umalalay saakin. Nang mag-angat ako ng tingin nakita ko si Nikov. Inalalayan niya ako at siya na din ang sumagot sa mga tanong ng mga reporters. He even take off his jacket at ipinatong iyon sa ulo ko to cover me up from the media.

Ilang sandali pa ay namalayan ko na lang ang sarili ko na inilalayo na doon at isinakay na ni Nikov sa sasakyan niya.

"What will happen to me?"parang batang tanong ko sa kawalan. Takot at mag-isa."I'm all alone now. Mag-isa nanaman ako. I'm scared."hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pagkawala ng hikbi ko.

"Natatakot ako. I don't want to be alone. What will happen to me now? Si Eve na lang ang pamilyang meron ako. Now...now that s-she's gone...what am I supposed to do? I don't want to be alone. I'm scared to be alone."I cried and sobbing. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng jacket at pilit isinisiksik ang sarili sa dulo."I'm scared...really scared...help...please...somebody help me...please...please I'm scared..."pakiramdam ko ay bumabalik saakin ang masasamang ala-ala na pilit kong kinakalimutan.

Sa kakaiyak ko ni hindi ko na namalayan na nakatulog ako at nagising na lang ako na nasa isang silid na ako. Hindi pamilyar saakin ang silid kaya naman agad na binalot ng takot ang puso ko at napabalikwas ng upo.

"PLEASE! HELP!"agad na hingi ko ng saklolo. Patakbo akong pumunta sa may pintuan at natigil lamang ng kusang bumukas iyon at bumungad saaakin si Nikov.

"Nikov!"parang doon lang ako nakahinga ng maluwag at wala sa sariling niyakap siya."Thank God it was you!"

"What happened? Lumabas lang ako saglit para sabihan si manang ng pagkaing lulutuin then I heard you shouting."he explained.

"I...I thought...I..uh...nagising ako at hindi pamilyar ang silid kaya naman...n-natakot ako."I thought he got me.

Nanunuri ang tingin niya saakin kapagkuwan ay tumango."This is my room. Sa bahay kita dinala."he informed me.

"You were so scared. You keep mumbling you don't want to go home..."he paused."kaya dito na kita inuwe. You can stay here. It will be easier for me to guard you all day and all night. And also you're alone in your condo. Hindi din ako mapapanatag kung alam kong ikaw lang ang tao doon at wala kang kasama."

"A-ayos lang ba na dumito muna ako? Hindi ba ako makakaabala? Alam kong ginagawa mo ito dahil trabaho mong bantayan ako at bodyguard kita pero hindi ba parang sobra-sobra na 'to? A-at baka hindi magustuhan ng girlfriend mo ang ganitong set-up?"

"You can stay here. Malaki naman ang bahay namin. Puwede kang mamili ng silid kung saan mo gusto matulog. Puwede rin na dito na ikaw sa kwarto ko. And I don't have a girlfriend."

"O-okay. Thank you."I nodded, tired. Parang nanghihina ako at walang lakas.

I just couldn't believe Eve was gone. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Maligo ka na muna para mapreskuhan ka. I buy a clothes for you. Sa tingin ko ay kakasya naman iyon sayo."he told me.

"T-Thank you. Babayaran kita."

Nangunot ang noo niya saka umiling."Hindi ko kailangan ng bayad mo. Just wear the clothes."aniya saka nagpaalam na lalabas na at hihintayin na lang ako sa baba para maghapunan.

I still feel awkward staying here. Isa akong estrangherong pinatuloy sa bahay niya. At hindi ako sanay na madaming tao sa bahay. I live with Eve. Noong mamatay ang magulang ni Eve noon nagdesisyon kami na magsama na lang sa isang bahay. Naging karamay namin ang isa't isa sa lahat ng pagsubok na dumaan sa mga buhay namin. We both witnesses how we achieved our own dreams. At ngayon na wala na si Eve hindi ko na alam kung ano ng mangyayare saakin. Bumabalik nanaman ang pakiramdam ko na mag-isa ako. I hate this feeling. Ayoko ng maramdaman ito. Ayoko na! Please! Tama na!

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako hanggang sa may yumakap saakin mula sa likuran. Pinatay niya ang shower at ibinalot ako sa tuwalya saka niyakap.

"I'm here."

"I'm scared,"iyak ko."I'll pay you...so...please...d-don't l-leave me. Stay with me. Please I'm begging you."marahan niya akong pinihit paharap sakanya at pinunasan ang pisngi ko.

Mataman siyang nakatitig saakin habang hawak ako sa magkabilaang balikat ko.

"I'll stay with you so you don't have to beg."he licked his lips then shooked his head.

That moment I don't know what was I thinking. But surely his touch is comforting.

Tila may sariling isip ang mga paa ko at tumingkayad ang mga ito at inabot ang labi niya. I even encircled my arms around his waist and pulled him for a hug.

"I don't want to be alone. I don't want to be alone anymore. It's scared, sad and lonely to be alone. I don't want to feel that again."

Taste of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon