Chapter 1

2.1K 44 0
                                        

Chapter 1

Successful ang first ever concert ko in the Philippines. Sa mismong bansa kung saan ako pinanganak at lumaki. There is a reason kung bakit ito ang kauna-unahan kong concert sa bansa. At ang dahilan na iyon ay kami lang ni Eve ang nakakaalam. No one knows kung ano at sino ako bago sumikat at nakilala sa showbiz industry. Sa totoo lang hindi ko suka't akalain na aabot ako sa kinaroroonan ko ngayon. A famous celebrity na kahit saan magpunta ay kilala at pinagkakaguluhan in that way I feel secured. This is not my dream. Hindi ko kailanman pinangarap na maging sikat na idol. I only wanted to protect myself from that monster! And this is my way to protect myself. Gamit ang kasikatan at karangyaang tinatamasa ko ngayon. He can't hurt me in public. That's why I'm afraid when I'm alone. Pakiramdam ko kapag nagkaroon ng pagkakataon na mag-isa lamang ako ay doon siya aatake. Of course he can't hurt me in public. Madaming dudumog sa kaniya pag nagkataon. And that is why I'm fit for this job. No, I need this job to keep me safe.

I did everything to reach where I am now. I worked hard for this.

"Congratulations, Nevaeh! You did well today!" bati sa akin ng manager ko.

"Thank you!" I smiled sweetly at her.

Pagkatapos tinanggap ang mineral bottle na iniabot nito sa akin.

"Magpahinga ka muna riyan. Mamaya ay papapasukin na namin ang 10 VIPs na imemeet and greet mo of course with picture taking." she informed.

Tumango ako sa kaniya at muling isinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan.

Those 10 VIPs handa silang magbayad ng halos kalahating milyon just for a meet and greet with me? Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin kung gaano ako katanyag ngayon sa showbiz industry. Mapa bata o matanda ay hinahangaan ako. Hindi lang mga teenagers ang dumadalo sa mga concert ko kundi iba-iba. May bata, dalaga, binata, matanda, etc. They admire me for what they know I am. I wish I can do that. I wish I can admire myself too. Bitter smile crept into my lips.

"Nevaeh, retouch ka muna." maya-maya pang sabi ni Manager ng makabalik na siya.

"Okay."

Agad na lumapit sa akin ang make-up artist ko at niretouch ang mukha ko.

"Is she ready?" tanong ng manager ko.

"Yes po." sagot ng make-up artist.

"Ok. Nevaeh, get ready. Sasabihan ko na ang team na incharge para iready na ang 10 VIPs at dalhin sa kuwarto kung saan kayo magkikita." she informed me.

Matagal na ako sa industriya na ito at hindi na bago sa akin ang ganitong set up, meet and greet. Pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing may ganito ay kinakabahan pa rin ako.

I let out a deep breath.

"You okay?" tanong ng manager ko na nasa likod ko.

"Y-yeah." I gave her a reassuring smile.

Tumango naman siya sa akin.

"Don't worry. This won't take long." pagkatapos binuksan na nito ang pinto kung san naghihintay sa akin ang 10 VIPs.

I thought they are 10? Bakit 9 lang ang nandito?

Agad silang nagtilian nang makita ako. Ang iba tila hindi makapaniwala na nameet and greet ako. Ang iba naman ay parang super hyper at hindi alam ang gagawin.

Kinalma naman sila ng team namin. Pero andoon pa rin ang mga munting kilig at tili. Typical fangirls.

Isa-isa silang nagpa-fan sign at pa-picture sa akin.

"Thank you po! Sobra pong fan na fan niyo ko!" halos mangiyak-ngiyak na sabi ng babae. She's wearing a school uniform. Pati ang I.D nito ay suot niya pa at doon naka-indicate na isa siyang senior high student.

Taste of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon