Chapter 2

1.6K 46 0
                                        

Chapter 2

It's been one week simula noong pakiramdam kong parang may sumusunod sa akin. Nang ikuwento ko naman iyon kay Eve ay sinermunan niya ako buong araw at hindi tinantanan sa kakakulit na tawagan ko na ang calling card ng International Security and Protection Services.

Nagsearch din ako tungkol sa ISPS at nakita kong highly recommended sila pagdating sa ganoong larangan ng trabaho. At hindi lang basta-basta mga tao ang nagrecommend sa kanila kundi mga bigatin. Even the former vice president recommended ISPS.
Magaling ba talaga ang mga bodyguards doon? Kaya ba talaga nila akong protektahan laban sa tao na iyon? Ang huling naging bodyguard ko ay namatay habang ginagampanan ang trabaho niya. Again, dahil sa akin may kinailangan nanamang mamatay at magsakripisyo. Noong mamatay si mama ipinangako ko sa sarili ko na wala ng mamatay na mahalaga sa buhay ko o kahit mga inosente na madadamay. 

"So, Nevaeh, alam mo madaming nagtatanong sa show namin kung hanggang ngayon ay single ka pa rin?" nangingiting tanong ng host sa akin.

On-air ang guesting ko at napapanuod ako ngayon sa television ng milyon-milyong katao.

"I don't think maisisingit ko pa ang lovelife sa busy ng schedule ko right now." mahina akong napatawa at umiling.

"Well I'm sure madaming nagpaparamdam. After all you are Nevaeh Astof beauty and brain, napakatalented. Siguradong pinipilahan ka?" she chuckled lightly.

Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya. Pati ang audience sa mismong studio ay naghiyawan na rin.

Agad naman silang pabirong sinaway ng host.

"Wala naman." sagot ko.

Although may mga iilan na nagpaparamdam sa akin na mga kapwa ko rin celebrity pero wala akong oras para i-entertain sila.

And I don't think they will stay kapag nalaman nila kung sino talaga ako.

Kapag nalaman nilang...

Tila nagulat naman ang host sa sinagot ko. Maya-maya pa ay tumango ito at nagpatuloy sa mga tanong.

"This one...nanggaling ito sa number 1 fan mo. So here it is, Nevaeh, what is your dream guy?" she asked.

I always wanted for us to escape. Palagi akong nangangarap na may darating na magliligtas sa amin. Someone that can, "Save us..." naisatinig ko.

Nakita ko namang naguluhan ang host sa akin pati na rin ang nasa audience, nagtataka ang mga mukha nila.

"I mean...I want a man who can protect me and will keep me safe. Someone who would love me despite of this kind of life I have." paglilinaw ko.

Napatango ang lahat at nakahinga naman ako ng maluwag. After ng guesting ko ay dumiretso na agad ako sa van. Hindi ko kasama ang manager ko and it's a good thing. Dahil may dadaanan ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe.

I'm on my way there.

"Daan muna tayo sa isang coffee shop. Iyong on the way sa bahay." I told the driver.

Ilang minuto lang ay nasa tapat na ng coffee shop na sinabi ko ang van.

Kinuha ko ang bag ko at nilingon ang driver.

"You can leave from here. Sasabay na lang ako kay Eve. Thank you." I said.

I can always text Eve to give me a ride. Napatingin ako sa wristwatch ko. Maya-maya lang ay uuwi na ito galing trabaho. Itetext ko na lang siya na daanan ako rito.

Pagkapasok ko sa loob ay agad akong sinalubong ng isang waiter. He smile politely at me.

"May reservation po, Ma'am?" tanong niya pa.

Marahan akong ngumiti at tumango sa kaniya.

"Yes. Table for two, Nevaeh Astoff." sagot ko.

Natigilan naman siya at maya-maya pa ay nanlaki ang mata at nakangangang napatitig sa akin. It would be so awkward kung magtatagal kami sa ganoong ayos kaya mabuti na lang at nabawi ng waiter ang sarili niya.

"S-Sorry po. This way, Ma'am." iminuwestra niya ang unahan. And he lead the way.

Nang magtungo kami sa reservation nakita kong may tao na roon. Lalaking-lalaki ang tindig nito habang sumisimsim sa hawak na tasa.

Hinintay kong iwanan kami ng waiter bago ako nagsalita.

"Hi! I'm Nevaeh Astof. I'm sorry I was---"

"Five minutes late. That's okay." tumayo na siya at hinarap ako.

"I'm Nikov Gustaf the own---from ISPS. So my sister recommended me and gave my personal number?" pagklaklaro niya.

Marahan akong tumango sa kaniya, "Yes. Si Nikka?"

He give me a nod.

"So shall we start?" he asked. Ipinaghila niya ako ng upuan.

"Thank you." I smiled.

Hinintay ko siyang makaupo sa kaharap kong upuan bago nagumpisa sa sasabihin.

"Paano ba ang set up kapag gusto ko ng bodyguard sa ISPS? Ikaw na ba ang bodyguard ko kung sakali?" I asked him.

"Yes. And you need to go to ISPS Headquarter and from there we will process everything legally. You will sign the contract and then we can start." he explained.

"Ah. Kailangan palang pumunta sa headquarter niyo. Busy ang schedule ko for this month. Hindi ko alam kung maisisingit ko ang pagpunta roon." alanganing sabi ko.

"I know that. That's why I bring the contract with me. You can read it now and sign after." he handed me a black folder.

Tumango naman ako at tinignan ang laman n'on.

There was a red paper inside the black folder. After I read the contract ay wala naman akong nakitang problema sa part ko. Halos lahat nga ng nasa contract ay pabor sa client nila.

"Pipirmahan ko na." I told him. Kinuha ko ang ballpen at pinirmahan na ang contract.

"About the payment. Should I wire it to the company's bank account?" I asked him.

Nakalagay kasi sa contract na ang client ang bahala sa payment mode. Kami ang magdedecide kung paano namin babayaran ang hinire namin na tauhan ng ISPS.

"If that's what you want. That's fine with me." he answered.

"Okay. Thank you, Mr. Gustaf." inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Tinanggap naman niya iyon at parang nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ng hawakan niya ang kamay ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Just call me Nikov." he said.

Tumango ako, "Okay. Ah order whatever you like I'll be the one to pay."

He shook his head, "I don't let woman pay for my bills."

"Kahit client? I'm just being nice." I reasoned out.

He shook his head again then lick the side of his lips, "No one is exempted."

Napanguso ako tsaka tumango sa sinagot niya.

"Okay. Well...uh I guess I'll go ahead now." paalam ko tsaka tumayo na.

Tumayo rin siya at nagtagal ang tingin sa akin, "First things first I need to know where you live. Ihahatid kita sa bahay mo."

Natigilan ako at nilingon siya.

"R-Right!" I smiled awkwardly.

And for the first time I don't even know why I'm feeling awkward towards a man. Nasa showbiz industry ako sanay akong makisalamuha sa mga tao but for some reason hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa lalaking nasa harap ko.

Taste of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon