Chapter 7

1K 43 1
                                    

Chapter 7

"We really appreciate you showing up here, Nevaeh. Alam naman namin lahat ang pinagdadaanan mo ngayon..."marahang sabi ng host tsaka binalingan ang audience na tila nakikisimpatya din sa akin."hindi biro ang mawalan ng minamahal sa buhay. And I believe Eve is the only one closest to you. We knew deep down inside hindi lang siya isang bestfriend sayo she's like a family to you. We are sorry for your loss."

Malungkot akong ngumiti. Eve...

Natapos ang tv show guesting ko at pagod akong napabuntong hininga ng lumabas ako sa back stage. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang wala na si Eve.

Natigilan ako sa paglalakad at napatingala ng may huminto sa harap ko.

"Nikov..."sambit ko sa pangalan niya.

"I asked your manager and you don't have any schedules for the rest of the day. Sinabi niyang ginawan niya ng paraan para makapagpahinga ka ng isang buong linggo. You need rest."he told me.

Walang lakas akong tumango sakanya tsaka tipid na ngumiti.

"Gusto kong pumunta sa condo. Kailangan kong kumuha ng iilang gamit. I'm also planning to find another place to stay. Pagkatapos ng nangyare kay Eve hindi ko na kayang tumira sa condo na iyon. I might as well move out."iyon ang plano ko. I am also planning to take a break from showbiz industry. Hindi lang isang linggo ang kakailanganin kong pahinga. I feel like...

Kakausapin ko tungkol doon ang manager ko sa ngayon kailangan ko muna asikasuhin ang paglipat ko.

Ipinagdrive ako ni Nikov papunta sa condo ko. Parang bumalik lahat ang memories namin ni Eve ng muli akong tumapak sa gusali. Magmula sa umpisa kung paano namin nabili ang condo. I couldn't help but to break down in tears. Mabilis naman akong naalalayan ni Nikov pasakay sa elevator.

"I-I'm sorry...I-its just t-that it is so hard..."pigil-pigil ko ang huwag mapahikbi."I miss her...I miss her so much, Nikov."

Hindi naman nagsalita si Nikov pero nanatili ang braso nito sa likuran ko. Nakasuporta.

After I typed in the code the door to our condo open. Sumalubong sa akin ang  tahimik na paligid. The place that I once called home didn't feel the same way to me now.

Tuluyan na akong pumasok doon at nilingon si Nikov na nakasunod sa likuran ko.

"Upo ka muna,"itinuro ko ang sofa at muli siyang binalingan."Kukunin ko lang ang mga naiwang gamit ko dito."I told him.

"Let me help you."he offered.

Sinulyapan ko siya at marahan na ngumiti tsaka napailing."Kaya ko na. Thank you. Ang mga gamit naman dito sa condo ay hindi ko pa naman kukunin dahil wala pa akong malilipatan. I'll just get the rest of my clothes and my important documents that I left and forgot."paliwanag ko.

Mabagal siyang tumango na parang sinusuri pa ko."Okay. I'll wait here then."tapos naglakad na siya papunta sa sofa.

Dumiretso naman na ako sa itaas. Napahinto ako sa kwarto ni Eve. Hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko sa mga naiwan niyang gamit. Siguro kapag lumipat ako isasama ko pa din ang mga gamit niya at ilalagay iyon sa isang silid. After all I can't just let her things go. Iyon na lang ang ala-ala niya saakin after her sudden death. 

"Eve,"napapabuntong hiningang sambit ko sa pangalan ng best friend ko saka nagpasyang magtungo na sa silid ko.

Pero bago pa ko tuluyang makapasok sa loob ng kwarto ko may isang lalaki ang lumabas doon. Natatakpan ang buong katawan niya hanggang mukha ng itim na tela.

"S-Sino ka!?"takot akong napaatras lalo na ng may ilabas siyang kutsilyo.

Handa na siyang sumugod saakin at isaksak ang kutsilyo saakin ng may humila saakin at imbis na ako ang masaksak ng lalaki ay si Nikov ang nasugtan nito.

Taste of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon