Hindi alam kung paanong bibitaw sa mahigpit na pagkakakapit sa salitang pagmamahal.
Paano ba mawawala ang sayo'y matinding nararamdaman.
Kahit napapagod na at laging nasasaktan hindi ko pa din sayo'y makayanang bumitaw.
Nahihirapan man madalas ngunit ganon na yata talaga katibay at kalalim sayo ang pagmamahal.
Kaya't ang pagkawala sa pag-ibig mo ay hindi ko na magawa kahit na gustuhin ko man.May mga pagkakataong gusto ko ng sayo ay lumayo nalang.
Hindi dahil sa hindi na kita mahal kundi nais kong puso ay protektahan.
Hindi ko maipapakita kung gaanong ang puso ko ay nasasaktan ng sobra dahil alam kong masasaktan ka.
Nagtatalo din ang isip at puso ko sa twing maiisip kong bitawan ka.
Dahil alam ng isip ko na hinding-hindi ka kayang bitawan ng puso kong sayo'y lunod na lunod na.Kung dadating man ang oras na walang ibang pagpipiliin kundi ang sayo ay bumitaw.
Wag mo sanang iisiping ganon lang kababaw ang sayo'y nararamdaman.
Dahil hindi ako aabot sa puntong ang sarili'y hinahayaang masaktan sa tabi mo ay mabatili lang.
At lagi mong tandaan na sobra kitang mahal higit pa sa kanino man.
Pero hindi lahat ng pagmamahal na ipinaglalaban natatapos sa HAPPY ENDING na kasabihan.💔
