Pansamantala

7 0 0
                                    

Pansamantala mong pinatigil ang mundo ko sa pamamagitan ng matatamis na salita mo.
-Pansamantala mong pinasaya ang puso ko sa pagpapakita ng pagpapahalaga mo.
-Pansamantala mong binulag ang mga mata ko sa magagandang ngiti mo.
-Pansamantala mong pinatigil ang utak nang inokopa mo ito.
-Pansamamtala mong binuhay ang pagkatao ko sa pagmamahal mo.

-Dahil sa pansamantalang matatamis na salita mo gumuho ang mundo ko.
-Dahil sa pansamantalang kaligayahang pinadama mo nawasak ang puso ko.
-Dahil sa pansamantalang ngiti sa labi mo may luha ngayon sa mga mata ko.
-Dahil sa pansamantalang pagtigil mo sa isip ko nawala ako sa sarili ko.
-Dahil sa pansamantalang pagmamahal mo muling nawalan ng buhay ang pagkatao ko.

-Sana pala hindi ako naniwala sa matatamis mong salita.
-Sana pala hindi ako agad nagpadala sa huwad mong pagpapahalaga.
-Sana pala hindi ako agad nagtiwala sa kumikislap mong mga mata.
-Sana hindi magulo ngayon ang isip ko kung hindi ako naniwala agad sayo.
-Sana hindi nadudurog ang puso ko kung hindi ko minahal ang isang tulad mo.

-Nagmahal, nasaktan, damdamin ko'y iyong pinaglaruan.
-Nagtiwala, umunawa pero bakit bigla kang nagsawa?
-Pinahalagahan kita dahil akala ko totoo ang pagmamahal mo.
-Pero iniwan mo ko kung kailan nahulog na ng tuluyan ang puso ko sayo.
-Nasasaktan ako dahil hindi ko matanggap na ako pala ay PANSAMANTALANG panakipbutas mo lang.




A/N : Boom Pains 😂😂

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon