Tayo na?

19 0 0
                                    

-Biskwit ng buhay ko pakinggan mo ang nilalaman ng puso ko.
-Alam kong sa nakaraan nasaktan ko ang tulad mo.
-Ngunit nandito muli ako upang sabihin ang damdamin ko.
-At sigurado na akong ikaw na ang laman ng puso ko.
-Mahal kita at yan ang totoong damdamin ko para sayo.

-Kalimutan natin ang nakaraan ang magsimula sa kasalukuyan.
-Alam kong mahal mo ko at nararamdaman iyon ng puso ko.
-Hindi na ako mag-aalinlangang iparamdam sayo ang pagmamahal ko.
-Dahil ang isang tulad mo ay iniingatan ng buong puso.
-Kaya sana ako'y pagbigyang alagaan ang iyong puso.

-Hayaan mong iparamdam sayo ang pagmamahal ko.
-Malayo man tayo hindi non mapipigil ang damdamin ko sayo.
-Dahil hindi distansya ang pipigil sa nararamdaman ko.
-Ito pa ang magpapatibay sa kung anong damdamib meron ako.
-At hiling ko lang ako'y pagkatiwalaan pati ang aking pagmamahal.

-Mahal kita Biskwit ko sana ay paniwalaan mo.
-Hindi na ako nalilito totoo na talagang ikaw ang mahal ko.
-Di ba nararamdaman mo naman ang pagmamahal ko sayo?
-Panghawakan mo ang mga salita ko at tutuparin ko ito.
-Pero gusto ko munang itanong sayo, MAARI NA BANG MAGING IKAW AT AKO?

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon