-Tatlong bwan na pala simula ng mapa-OO kita.
-Tatlong bwan na din na Mahal natin ang isat-isa.
-Naaalala ko pa kung paano nagsimula ang kwento nating dalawa.
-Kung paanong sa kalokohan ko ay napasagot kita.
-Kaya ngayon meron akong ikaw na nag-mamahal sakin at nagpapahalaga.-Wala pa tayo sa kalahati ng ating binubuong istorya.
-Madami pang pagsubok at problema ang susulusyunan natin ng magkasama.
-Hindi tayo magpapatalo at magpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao.
-Dahil ang mahalaga naman sa relasyon nato ay yung nararamdaman nating pareho.
-Kaya ilalaban natin kung anong meron tayo kahit tumutol pa ang buong mundo.-Madalas man tayong mag-away at hindi magkaintindihan.
-Hindi yon dahilan para isuko at bitawan nalang ang relasyong atin ng nasimulan.
-Kahit anong pagsubok pa ang sa atin ay dumaan handa akong lumaban makasama ka lang.
-Pangakong hindi pagsasawaan ang iyong pagmamahal.
-Ipaglalaban kita sa kahit anong paraan at mamahalin hanggang sa huling hantungan.-Sa lahat ng minahal ko ikaw yung nakikita kong makakasama ko hanggang sa pagtanda ko.
-Lahat ng pangarap ko ay gusto kong maabot ng ikaw ang kasama ko.
-Kaya sana'y habaan mo pa ang pasensya at pang-unawa mo sa ugaling meron ako.
-Wag kang magsasawang mahalin at intindihin ako at ganon din ako sayo.
-Mamahalin kita ng buong puso hanggang sa pumuti ang buhok mo at ang buhok ko.-Lagi mong tatandaan na sobra kitang mahal.
-Kahit madalas akong mainis sa iyong kapasawayan.
-Hindi naman non mababawasan ang sayo'y nararamdaman.
-Sa bawat araw na lumilipas mas nadadagdagan lang ang pagmamahal na sayo'y nararamdaman.
-Hindi na ako maghahanap ng iba dahil masaya ako at kuntento sayo Ederma Soriano Leopoldo ko.