Laman ng Damdamin ko!

7 1 0
                                    

-Madalas akong kainin ng insecurity ko
-Hindi kase ako ung tipo ng taong maipagnanalaki mo.
-Sa paningin lang ng Nanay ko ako gwapo
-Pero wala akong panlaban sa mukha ng nakaraan mo.
-Kaya hindi ko mapigilan ang pagseselos ko.

-Sabihin man nating ako yung tipo ng taong hindi na dapat pakawalan.
-Ako pa din yung tipo ng taong magmamakaawa pa din wag lang iiwan.
-Sabihin mang hindi madali na ako'y bitawan.
-Magagawa mo pa din dahil hindi ako yung tipo ng taong ipinaglalaban.
-Dahil alam kong ako yung tipo ng taong ayos lang kahit nasasaktan.

-Mahal mo ako alam kong yun ay totoo dahil narardaman ko.
-Ngunit nararamdaman ko din na hindi ako yung taong laging iniisip mo.
-Hindi ako yung tipo ng taong mailalagay sa first priority mo.
-Dahil ako yung tipo ng taong kahit hindi mo unahin sayo'y maghihintay pa din.
-Yung tipo ng taong kahit saktan mo mananatili sa tabi mo.

-Ngunit sana ay alam mo din na napapagod ako.
-Sana alam mo din na nasasaktan ako.
-Sana alam mo din alamin yung nararamdaman ko.
-Sana alam mo din na gusto ko na iniintindi din.
-At sana alam mo din na gusto kong maramdaman kung paano unahin.

--
😅

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon