Untittled

16 1 0
                                    

Hindi ko alam bakit ganito yung nararamdaman ko.
Gusto kitang hilahin palapit sakin at sabihing magiging OK din yan.
Pero natatakot ako na baka isipin mong sinasamantala ko ang kalagayan mo.
Nasasaktan ka! yun ang laging nakikita ko sa twing dumadaan ako sa wall mo.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin o gagawin ko mawala lang yung sakit na nararandaman mo.

Alam mo ba sa twing mahina ka nawawalan ako ng lakas?
Alam mo ba sa twing umiiyak ka gusto ko nalang maglaslas?
Alam mo ba sa twing sinasabi mo kung gaano nadudurog yang puso mo doble yung sakit na nararamdaman ko?
Hindi ko masabi sayo dahil ayoko nang dumagdag sa mga iniisip mo!
Gusto ko sanang pagaanin loob mo pero hindi ko alam kung paano at isa pa natatakot akong mahulog ulit ng tuluyan sayo.

Minsan nga pakiramdam ko ang tanga-tanga ko.
Kase sa twing magpopost ka hindi ko mapigilan sarili kong magcomment sa kahit anong status mo.
Nakakatanga kase kahit hindi mo ko pinapansin tuloy pa din ako kakalike at react sa lahat ng post mo.
Minsan nga nag-aassume pa ko na "ako ba yung tinutukoy nya sa post nato?"
Nakakatawa diba? Gumagawa na pala ko ng sarili kong ikakatanga.

Kung pwede lang kunin yung sakit at hirap ng pinagdadaanan mo malamang ginawa ko.
Kung pwede lang na magpalit tayo ng kalagayan matagal na kong nagboluntaryo.
Kung pwede lang din na hilingin na sana ako pa din yung mahal mo at hindi sya luluhod ako kahit sa asin at munggo matupad lang yung kahilingan ko.
Kung pwede lang din sanang wag nalang akong maapektuhan sa pinagdadaanan mo matagal na kitang hindi pinakialaman.
Pero anong magagawa ko? Kung sa twing masasaktan ka sobra yung kirot na nararamdaman ng puso ko na kulang nalang pigain yung buong pagkatao ko.

Alam kong wala ng magagawa ang nararamdaman ko para mapawi ang kalungkutan mo.
Dahil hindi naman na ako yung taong makakagamot sa sugatang puso mo kase nga hanggang nakaraan nalang ako.
Pero alam mo minsan gusto kong sabihin sayo na "Kung hindi mo ko iniwan at pinagpalit sa kanya di sana kahit papano masaya ka pa diba?" Kaso lang naisip kong baka isipin mong sinusumbatan kita, ayaw ko namang isipin mo na sinisisi pa kita kaya ka ngayon nagdadrama.

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon