Mahal hindi na tayo nagkikita namimiss na kita.
Gusto kitang makasama pero sa ngayon ay malabo pa.
Madami ng hadlang sa relasyon nating dalawa una palang pero parang nadagdagan pa?
Iniisip ko kung bakit pero bumabagsak ako sa puntong ako yung mali sa relasyon nating dalawa.
Hindi ko gustong maramdaman ito pero nagkukusang pumapasok sa isip ko at nananakit sa puso ko.Sa sobrang pangungulilang nararamdama ko sayo parang napapraning na ako.
Makasarili ba ako kung gusto ko ako lang yung mas nakakapagpangiti sayo?
Makasarili ba ako kung gusto ko ako lang yung dahilan ng bawat pagtawa mo?
Makasarili ba ako kung gusto ko ako yung makasama mo sa panahong kailangan mo ng lakas ng loob?Naiingit ako sa mga taong napapangiti ka habang magkaaway tayo.
Naiingit ako sa mga taong napapatawa ka habang wala sa ayos yung TAYO.
Naiingit ako sa mga taong kinakausap mo ng matagal habang baliwala ako sayo.
Naiingit ako sa oras na naibibigay mo sa kanila habang nalulungkot akong mag-isa sa isang sulok ng aking kwarto.
Naiingit nga ba ako o nagseselos dahil nagagawa nila yung mga bagay na dapat ang gumagawa ay AKO?Hindi ko na alam kung nasa tama pa ba ang mga katwiran ko.
Hindi ko na alam kung nasa lugar pa ba ang selos na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung tama bang nasasaktan ako sa bawat galit ng salita mo.
Hindi ko na alam kung anong iisipin ko kapag nararamdaman kong nanlalamig na ang pakikitungo mo.
Hindi ko na din alam kung kakayanin ko pa kung magigising nalang ako isang araw hindi na ako ang Mahal mo.Huwag naman sanang umabot sa puntong kailangan ko ng masaktan para sa tabi ko ay manatili ka lang.
Huwag na sanang umabot sa puntong magmamakaawa na ko para sa iyong pagmamahal.
Huwag naman sanang umabot pa tayo sa ipagtatabuyan mo ako dahil ayaw mo na sa tulad ko.
Huwag naman sanag umabot ako sa puntong mapagod na kong magmakaawa sayo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
At huwag na sana tayong umabot sa puntong manhid na ko at pumayag nalang ako sa gusto mo, sa kagustuhan mong makalaya sa piling ko.