Mahal mo pa ba?

12 1 0
                                    

Mahal mo pa ba?
Tanong na mahirap sagutin para sa mga taong hindi pa nakakamove-on.
Mahal mo pa ba?
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na.
Mahal mo pa ba?
Oo mahal ko pa kahit alam kong may mahal na syang iba.
Mahal mo pa ba?
Tang ina paulit-ulit na! OO mahal ko pa pero hindi na ako yung mahal nya!

Mahal ko pa sya pero tanggap ko na, tanggap ko ng hindi kami para sa isat-isa.
Mahal ko pa sya pero kaya ko ng makitang masaya sya sa iba.
Mahal ko pa sya pero kayo ko ng magpatuloy ng wala sya.
Mahal ko pa sya pero palagay ko nababawasan na.
Mahal ko pa sya pero kaya ko na ulit maging masaya ng hindi napipilitan pa.

Mahirap bitawan yung taong sobra mong minahal.
Mahirap pero yun yung kailangan dahil hindi na sya sayo masaya.
Mahirap bumitaw pero kailangan dahil nasasaktan ka na at nasasaktan din sya.
Mahirap bitawan sya pero kailangan gawin mo na para hindi ka na maging tanga.
Mahirap bumitaw pero mas mahirap kumapit sa taong hindi ka na kayang hawakan pa dahil may kahawak na syang iba.

Mahal mo pa ba?
Oo pero pagod na kong maghabol sa kanya.
Mahal mo pa ba?
Oo pero nakakapagod din magpakatanga.
Mahal mo pa ba?
Oo pero ayoko ng makagulo sa buhay nya.
Mahal mo pa ba?
Oo pero hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa kanya.
Mahal mo pa ba?
Oo, kaya lagi kong ipinagdarasal ang kaligayahan nya.
Mahal mo pa ba?
Oo kaya nga kuntento na ko sa pagtawag nya sakin ng KUYA.



A/N : iyak hahaha 😂

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon