NO TITLE

7 1 0
                                    

Naiinis ako! Ay hindi! Nagtatampo pala ako!
Bakit parang nawawalan ka na ng oras sakin?
Pakiramdam ko ang layo-layo na sakin ng atensyon mo.
Parang nawawala na ako sa listahan ng mga prayoridad mo.
Meron bang nagbago? Wag naman sanang umabot yung tanong ko sa MERON NA BANG BAGO?

Ilang beses ko ng sinabi sayo, sa lahat ng ayoko yung nababaliwala ako.
Kapag ganon kase pakiramdam ko nawawalan ako ng halaga sayo.
Hindi lang isang beses nangyari na parang nawala ako sa isip mo.
Magkausap lang tayo pero maya-maya parang nakalimutan mo agad na kausap mo ako.
Ganon na ba ako kadaling mawala sa isip mo? Na wala pang ilang segundo nakakalimutan mo na ako?

Hindi ko hinihingi ang buong araw ng atensyon mo.
Ilang oras lang ang igugugol mo para sa akin masaya na ako.
Yung wala sanang iistorbo sa atin kahit ilang minito.
Yung walang aagaw ng atensyon mo sakin kahit ilang minuto.
Yung ako lang ang maririnig at kakausapin mo kahit ilang minuto.
Yung simpleng hiling ko hindi naman siguro masama kung pagbibigyan mo kahit ilang minuto.

Ayoko lang dumating sa punto na masanay na ako.
Naiintindihan mo naman diba kung ano yung pinupunto ko?
Baka kasi isang araw masanay nalang ako na hindi na ako kasama sa prayoridad mo.
Baka isang araw masanay akong wala ka ng oras kausapin ako.
Baka kasi isang araw masanay ako na wala ng pagpapahalagang natatanggap galing sayo.

Mahal tao lang ako.
Napapagod din sa paulit-ulit na pambabalewala mo.
Nasasaktan din sa kawalan ng pagpapahalaga mo.
Umiiyak din ako kapag hindi ko na kinakayang wala na sakin ang atensyon mo.
At nadudurog ako kapag nararamdama ko ang mga yon tapos parang wala lang sayo.






--

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon