"BiTAW"

49 2 0
                                    

-Sa twing sasapit ang gabi may tubig na lumalandas sa aking pisngi.
-Mula sa malungkot na mata may luhang tumutulo na pala.
-Hindi ko malaman kung bakit pa ako nasasaktan.
-Dahil ba ginusto nya akong lumisan at ibaling sa iba ang pagmamahal.
-O dahil hindi ako lumaban at mas pinili ang bumitaw nalang?

-Ayoko ng masaktan ngunit hindi mapigilan.
-Ayoko ng umasa ngunit puso ko'y mapilit talaga.
-Sabihin man ng isip na tama na iba naman ang sinisigaw ng pusong tanga.
-Maari bang itigil na at muli nalang sumaya?
-Mga sakit na nadarama pwede bang matigil na?

-Sabihin mang ang TAYO'y may pag-asa pa.
-Mahirap namang umasa dahil mukang malabo na talaga.
-Kahit pa sabihing mahal natin ang isat-isa.
-Mukang buong mundo tutol sa ating dalawa.
-Kaya siguro pinili kong sumuko at bitawan ka na.
-Dahil alam kong hindi ko kayang ipaglaban ka.

-Kung dadating ang panahon na muli tayong magkikita.
-Matamis na ngiti sa iyong mga labi ang nais kong makita.
-Kung sa panahong iyon ay may bago ka na para sayo ako ay magiging masaya.
-Dahil ang hiling ko lamang naman ay ang sumaya ka.
-Kahit hindi na sa piling ko basta makita kong totoo kang maligaya.

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon