Hanggang Dulo

11 0 0
                                    


(Spoken Poetry by YDem Writes)

*A/N*
(Spoken poetry nya to sinagot ko lang, yung may mga * ang answer sa poem nya. I have her permission to post this poem naman hehe. Nakarelate kase ako kaya sinagot ko nalang yung tula nya. Sana magustuhan ng mga makakabasa. Thank you!)

Sabi mo, "Tayo lang dalawa."
*Hindi ba at tayo naman talaga?*
Ang sabi mo, walang magbabago hanggang sa dulo 'di ba?
*Wala namang nagbago, siguro may nadagdag sa ugaling pinapakita mo at pinapakita ko.*
Pero bakit gano'n?
Bakit nanlamig ka?
*Nanlamig lang ako dahil sa paulit-ulit nating pagtatalo.*

Ano bang nangyari sa ating dalawa?
*Tipikal na pagtatalo ng dalawang nagmamahalang tao.*
Nagsasawa kana ba?
*Alam mong hindi ako magsasawa sayo diba?*
Napapagod kana ba?
*Sa mga pagtatalo baka oo pero sayo malabong magsawa ako.*
Nasasanay kana ba?
*Nasasanay sa pagtatalo? Siguro ay Oo.*
Kase kung oo,
*Anong ang gagawin mo?*
Handa akong pakawalan ka.
*Ganon ba kadali para sayong bitawan ako?
Sabihin mo lang,
Nakahanda akong bitawan ka.
*Hindi ko sasabihin dahil ang pagbitaw mo ang hinding-hindi ko hihilingin dahil hindi ko kakayanin.*

Nagkulang ba ako?
*Ganon ba ang naipaparamdam ko sayo?*
Hindi na ba ako?
*Muka bang may iba na ako?*
Paano ko papaniwalaan ang mga sinasabi mo?
*Magtiwala ka sa pagmamahal na meron ako sayo.*
Kung iba naman ang ipinaparamdam mo at nakikita ng mga mata ko?
*Kung ano man ang naipaparamdam at naipapakita ko sayo parte yon ng pagkakamali ko*
Akala ko ba hindi tayo hahantong sa ganito?
*Patawad kung umabot tayo sa ganito.*
Akala ko na walang magbabago?
*Kasama siguro talaga sa relasyon ang pagbabago*
Akala ko ba tayo hanggang dulo?
*Hindi naman ako bumibitaw sayo kaya umasa kang may Tayo hanggang dulo.*
Pero Bakit parang nauna ka ng lumakad papalayo sa tabi ko?
*Nauna lang ako dahil hinihintay ko kung susunod ka sa paglakad ko.*

Dahil ba wala akong oras sa'yo?
*Hindi naman ako nagrereklamo sa oras na naibibigay mo dahil naiintindihan ko na hindi lang sakin umiikot ang mundo mo.*
Kaya nasasanay ka na wala ako sa tabi mo?
*Hindi ko gustong masanay na wala ka sa tabi ko ngunit alam kong hindi sa lahat ng oras ay lagi kang nasa tabi ko.*
Dahil ba nagkulang ako?
*Ano bang yang mga sinasabi mo?*
Kaya nagsawa ka sa isang katulad ko?
*Wala akong pagkasawang nararamdman sayo.*

Wala namang iba, 'di ba?
*Kahit kailan hindi ko kayang palitan ka dito sa puso ko.*
Pero bakit parang ang laki ng harang sa pagitan nating dalawa?
*Magkalayo lang tayo kaya siguro ganon ang nararamdaman mo.*
Bakit bigla kang nag-iba?
*Kung nag-iba man ako dahil siguro sa pangungulila ko sayo.*
Hindi katulad noon na handa kang sumugal sa pag-ibig nating dalawa?
*Hanggang ngayon pa rin naman handa akong sumugal para sa pag-ibig nating dalawa wag ka lang bibitaw ng maipanalo ko ang sugal ng pag-ibig nating ito.*

Sabihin mo ng ang immature ko,
*Mahal tama na ang pagtatampo.*
Kase kailangan ko ng oras mo!
*Hayaan mong bumawi ako sayo.*
Kase Kailangan ko ng atensyon mo!
*Lahat ng atensyong kailangan mo ibibigay ko sayo.*
Pero hindi ko nga dapat pang hinihingi sayo ang mga bagay na ganito,
*Patawad kung kailangan mo pang hilingin ang mga ito.*
Kase kung mahal mo ako kusa mo 'yong ibibigay nang buo.
*Mahal naman talaga kita kaya sana'y hayaan mong maiparamdam ko ng kusa ang pagbawi ko sayo.*
Masisisi mo ba ako?
*Yon yata ang hindi ko magagawa sayo.*
Kung nasanay ako sa mga galawan mo?
*Namimiss mo ngang talaga ako.*
Kung nasanay ako na kapag online ko, tadtad ng messages mo ang bubungad sa inbox ko?
*Hindi ko man nagagawa ang mga yon sayo siguro ay dahil busy ako o kung hindi man may tampuhan sa pagitan mo at pagitan ko.*
Masisisi mo ba ako,
*Hindi ko yan magagawa sayo.*
Kung bakit ganito na lang ako kabilis magtampo, kabilis manibago.
*Mukang napakalaki na nga ng pagkukulang ko sayo para umabot sa ganito ang tampo mo.*

Nasaan na ba 'yong pangako mo?
*Nandito pa din sa puso ko.*
Wala na ba talaga 'to para sa'yo?
*Hindi ganon ang gusto kong maramdaman mo.*
Okay lang sa iyo na masanay tayo ng ganito?
*Ayoko, kaya pwede bang ayusin na natin to?*
Na mawala yung apoy na parehas nating binuo?
*Pwede pa naman sigurong pag-alabin nating muling pareho?*

Sabihin mo.
*Ano bang gusto mong sabihin ko?*
Dahil kung Ikaw kaya mo,
*Parang hindi ko kaya yang iniisip mo.*
Ako, hindi ko gustong masanay na wala ka sa tabi ko.
*Mas hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko kaya halika at pag-usapan natin at ayusin kung ano man ang hindi natin pagkakaintindihng ito.*

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon