"WALA NA"

29 3 0
                                    

-Hindi ba dapat ako ay masaya na?
-Hindi ba dapat wala ng lungkot sa mga mata?
-Hindi ba dapat ako ay tumatawa na.
-Hindi ba dapat ako ay magpasalamat pa.
-Hindi ba dapat wala ng luha sa mga mata?

-Sapat na ba na ako'y pinalaya na nya?
-Kailangan ko na ba itong tanggapin talaga?
-Na kaming dalawa ay wala na talagang pag-asa.
-At magpatuloy na sa buhay kahit wala na sya.
-Kahit mahirap tatanggapin ko na ba?

-Akala ko talaga kakayanin ko na!
-Pero bakit sobrang sakit pa!
-Hindi ko pa din ba tanggap talaga?
-Na sa piling ko hindi na sya babablik pa?
-At ngayon ako talaga ay nag-iisa na.

-Mahal hindi ko pa talaga kaya.
-Maari namang umiyak ako diba?
-Sobrang sakit pa din kasi wala ka na.
-Parang puso ko ay dinudurog at pinipiga.
-Sa isiping ako ay iyo ng pinalaya.

-Sa pagkakataong ito mahina ako.
-Hindi ko mapigil mga luha sa mata ko.
-Lungkot at panghihinayang ang nadarama ko.
-Ngunit wala na kong magagawa kung yan ang gusto mo.
-Magpapatuloy ako pero hindi sa paraang gusto mo.

-Ipangako mo saking magiging masaya ka.
-Doon manlang mapawi ang lungkot na nadarama.
-Kaligayahan mo lang ang nais na makita.
-Doon siguro puso ay mapapayapa.
-At magagawa kong sa kalungkutan ay tuluyan ng lumaya.

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon