Mahal kita, yan ang laging sinasabi nya.
Mahal kita, walang sawang lumalabas sa mga labi nya.
Mahal kita, lagi kong nadarama mula sa kanya.
Mahal kita, hindi napapagod sa aki'y ipadama.
Mahal kita, ngunit hindi ko pa kayang suklian ang iyong nadarama.Mahal mo ako at iyon ay nararamdaman ko.
Ngunit ipagpatawad mo dahil iba ang aking gusto.
Hindi ko kayang saktan ka ngunit hindi ko pa din kayang mahalin ka.
Ayokong sabihing maghintay ka dahil alam kong mapapagod ka.
Ngunit ayoko din isiping kapag napagod ka ay susuko ka na.Maari bang sa kalawakan ay humiling?
Huwag sanang mapagod ang lalaking sakin ay may pagtingin.
Hayaan mo munang sugat sa puso'y paghilumin.
Pangakong kapag maayos na ako sya ay akin nang sasaluhin.
Ngunit sa ngayon pagbigyan mo muna ang aking hiling.
Na huwag sana syang mapagod na ako ay mahalin.Sarili ay aayusin upang kinabukasan ay magning-ning.
Lahat ng sakit at sugat ng nakaraan ay unti-unting paghihilumin.
Upang maranasang muli kung paano tumawa at ngumiti.
Ng hindi pinipilit at walang halong pagkukunwari.
At masuklian na ng natural ang pag-ibig ng lalaking ako ang tinatangi.PS : may nabasa lang akong story don ko nahugit yang tula 😂