-May sasabihin sana ako sayo.
-Kaso baka bigla kang magbago.
-Wag nalang siguro kinakabahan kasi ako.
-Baka biglang mawala ka sa akin kaibigan ko.
-Ayoko namang mawala ang isang tulad mo.-Walang lakas ng loob ipagtapat sayo.
-Ano ba tong nararamdaman ko sayo.
-Para kong torpe sa kalagayan kong ito.
-Paano ba sasabihin ito sayo.
-Na gusto kita at humahanga ako sayo.-Sandali parang may mali.
-Nasabi ko ba ang pilit tinatanggi?
-Lumabas ba talaga iyon sa sarili kong labi?
-Hindi ko na siguro ito mababawi.
-Kaya itutoy ko nang sabihing ikaw ay tinatangi.-Inaamin ko na OO crush kita.
-Kung paano hindi ko din alam talaga.
-Basta ang alam ko lang masaya ko pag kausap kita.
-Kahit sabihin pang may pagkabrutal ka.
-Yun talaga ang sasabihin ko pasensya na.-Nasabi ko na yung gusto ko sana hindi ka magbago.
-Ayoko kasing lumayo ka dahil lang sa inamin ko.
-Wag kang mag-alala alam ko naman ang limitasyon ko.
-Sinabi ko lang ito para wala akong itinatago sayo.
-Sana lang manatili ka pa ding isa sa mga kaibigan ko.