-ilang beses ng nagmahal pero laging nasasaktan.
-Buong katapatan at pagmamahal ang laging binibigay.
-Ngunit laging kapalit nito'y pasakit at kasawian.
-Hanggang kailan dadanasin ang ganitong kapalaran.
-Ng puso kong walang ibang hanggad kundi totoong kaligayahan.-Paulit-ulit na sakit ang aking nararamdaman.
-Bakit ba ang puso ko'y hindi nalang mamanhid at masanay.
-Dahil nakakasawa na ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.
-Na walang nakakakita at natutuyo nalang ng kusa.
-At tanging unan ang sumasalo sa twing magsisibagsakan sila.-Akala ko'y sanay na ko sa paulit-ulit na pagkabigo.
-Ngunit bakit sa twing iniiwan ng minamahal ay masakit pa din sa puso.
-Kailan ba ako masasanay sa paulit-ulit na pagkabigo.
-At kailan ba mapapagod magmahal itong lintik kong puso.
-Para hindi na makaramdam muli ng sakit at paulit-ulit na pagkabigo.-Pilitin ko mang maging masaya sa harap ng iba.
-Lumalabas pa din ang kalungkutan sa twing ako ay nag-iisa.
-Nakakangiti at nakakatawa pero hindi umaabot sa mga mata.
-Dahil ang puso ko'y nasasaktan at nagdurusa.
-Dahil sa pagmamahal na inalay sa taong hindi alam ang salitang PAGPAPAHALAGA.--
AN : 😂😂 drama 😂😂