-Parang kailan lang no'ng makilala kita.
-Natatandaan ko pa nga kung paanong ang atensyon mo ay aking nakuha.
-Sino ba naman kasing mag-aakala na sa kalokohan ko loob mo ay aking makukuha.
-Kahit sa panaginip ko'y hindi ko akalaing mapapaibig kita bigla.
-Ganon nga siguro katindi sayo ang aking karisma hahaha.-Isang malokong gwapo nakatagpo ng masungit na tao.
-Laging aso't pusa bangayan doon bangayan dito.
-Hindi matatapos ang maghapong silang dalawa'y magkasundo.
-Parte na talaga ng buhay nila ang magtampuhan at magtalo.
-Pero hindi nawawala ang pagmamahalan sa kanilang mga puso.-Isang taon na simula ng makilala ko ang aking Taguro.
-Ang manhid at tuod ng buhay ko isang taon nang inaalagaan ang puso ko.
-Isang taon na din nyang pinagtitiisan ang lakas ng topak at pangit na ugali ko.
-Kaya hayaan mong sabihin ko sayo na sobrang nagpapasalamat ako babe ko.
-Salamat na dumating ka sa buhay ko upang iparamdam muli sakin kung paanong magmahal at mahalin ng totoo.-Maligayang Unang Anibersaryo sa nag-iisang BabyBabe ng buhay ko.
-Nag-uumpisa pa lang tayo at alam kong madami pang pagsubok ang darating sa relasyong ito.
-Ngunit nasisigurado kong lahat ng iyon ay kakayanin nating pareho.
-Kumapit ka lang ng mahigpit Babybabe ko dahil pangako ko sayo hinding-hindi ko bibitawan ang kamay mo.
-Kahit saan man ako makarating ikaw lang ang minamahal, mahal at mamahalin ng puso ko.-Lagi mong tatandaan na hindi ako magsasawa sayo.
-Hindi ko kailan man isusuko ang pagmamahal ko sayo.
-Kahit makalaban ko ang buong mundo ipaglalaba ko ang pag-ibig ko sayo.
-Hindi ako mag-aalinlangang isugal kahit ang buhay ko.
-Huwag lamang mawala ang babaeng minamahal at nagpapaligaya sa buhay ko.--
11/14/18
Love is in the air hahahaha.