"VALENTiNES"

20 1 0
                                    

-Araw na pinagdidiwang ng mga taong nagmamahalan.
-Kanya-kanyang diskarte kung paano ito gagawing espesyal.
-May gumagastos ng malake para lang sa minamahal.
-Yung iba dinadaan nalang sa gimik na puno ng kakornihan.
-Mga bulaklak at tsokolate ang sikat sa twing sasapit ang Valentines.

-Naisip ko lang ano ba ang pinagkaiba ng Valentines sa simpleng araw lang?
-Pwede naman tayong maging sweet sa ating mga mahal kahit araw-araw pa yan.
-Maari mo namang iparamdam sa kanya oras-oras ang iyong pagmamahal.
-Hindi na kailangan ng mga bulaklak at kung ano-anong kakornihan.
-Basta may oras ka sa kanya araw-araw daig pa non ang Valentines.

-Hindi ako bitter pero bakit nga ba meron pang Valentine?
-Pwede namang iparamdam mo araw-araw ang iyong pagmamahal.
-Kahit walang bulaklak at tsokolate basta totoong pag-ibig lang.
-Gawin mong araw-araw ang pagpapakilig kay mahal.
-Siguradong tamis ng pag-ibig ang inyong makakamtan.

-Hindi ko sinasabing wag ipagdiwang ang Valentines.
-Ang sakin lang dapat siguro tayong maging praktikal.
-Imbis na bumili ng bulaklak at tsokolateng sobrang mahal.
-Bakit hindi nalang natin simplehan basta may kasamang effort at pagmamahal.
-Wag lang isang araw ng sweetness ang iyong iparamdam bagkus gawin mo ito at iparamdam araw-araw.

Poem'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon