-Kailan ba noong huli kitang makita?
-Magpipitong bwan na pala.
-Kamusta ka na masaya ka na ba?
-Naiisip mo pa din ba ako kagaya ng pag-iisip ko sayo?
-Siguro namimiss mo ako pero hindi na kagaya noon na todo-todo.-Alam mo ba hanggang ngayon naguguluhan ako?
-Iniisip ko pa din kung ano talaga ang mga dahilan mo.
-Bakit nagkaganito bigla ang masayang TAYO?
-Mahal hanggang ngayon nalilito ako.
-Pwede mo bang sagutin lahat ng mga katanungan ko?-Hindi na ko umaasa na mababalik pa ang dating TAYO.
-Dahil alam kong wala na kong puwang dyaan sa puso mo.
-Hiling ko lang ay ang paliwanag mo.
-Para alam ko kung ano talaga ang totoong dahilan mo.
-Para makalaya na ako sa kalungkutang nadarama ko.-Hindi ko makuhang ibaling sa iba ang pagmamahal ko sayo.
-Dahil nakakulong ako sa mga tanong na gumugulo sa isip ko.
-Nagkulang ba ako sayo o sadyang may pumalit lang sakin dyan sa puso mo?
-Kasagutan lang ang gusto ko galing sayo mahal ko.
-Kapag nasagot mo pangako lalayo na ako at hindi na muling mang-gugulo.