-Bago ang lahat nais ko sayong magpasalamat.
-Salamat sa pagmamahal at sa pag-papahalaga.
-Kahit malayo ka ramdam ko ang iyong pag-aalaga.
-Na sa akin ay nagpapangiti ng kusa.
-At sa puso ko'y nagbibigay ng tuwa.-Aking mahal maligayang dalawang bwan ng pagmamahalan.
-Nagpapasalamat ako na dumating ka sa aking buhay.
-Ikaw na ang nagbibigay kulay sa mundo kong dati'y black and white lang.
-Dahil sa iyo naramdaman kong muli ang totoong pagmamahal.
-Kaya sana hanggang sa pagtanda natin Ikaw at ako lang.-Alam kong tayo'y nagsisimula pa lamang.
-Madami pang pagsubok tayong pagdadaanan.
-Kaya sana kumapit ka lang at huwag bibitaw.
-Pinapangako kong sayo lamang aking pagmamahal.
-Na hindi ibabaling sa iba dahil puso ko'y sayo lamang.-Hihintayin ko ang panahon na magkakasama na tayo.
-Yung pag-gising ko mukha mo agad ang makikita ko.
-At sa pagtulog ko ikaw ang huling makikita ng mga mata ko.
-Parang ang sarap sa pakiramdam nang nasa tabi mo.
-Kaya mahal ko mangako kang hanggang dulo ako lang mamahalin mo.AN : Ginawa ko to para sa monthsary ng kaibigan ko at gf nya hahaha 😂
Share ko lang.