"Kyla!" It was around 9 in the evening when I heard Papa called me from outside. Dali-dali kong binuksan ang pinto at laking gulat nang makitang magkasama na si Papa, si Mama at Zack.
Mas lalo lang nanlaki ang mga mata ko nang may bitbit na na bulaklak si Zack sa kaliwang kamay. Malaking teddy bear at chocolates sa kabilang kamay.
All I thought was he went home! Pilit ko siyang pinagtatabuyan kanina dahil sa mga taong nang uusisa sa labas. Umalis din naman kaya napanatag ako ngunit may bumulong na naman sa kanyang tenga para bumalik at magdala ng mga ganito!
Samo't saring emosyon ang lumulukob sa akin ngayon. Gulat, inis, at kaba lalo na at nasa tabi na namin ang mga magulang ko.
"Anong pangalan mo, Hijo?" tanong ni Mama sa seryosong mukha.
Hindi ako makagalaw sa mga oras na ito. Nanginginig ang mga kamay kong pilit pinupulot ang kutsara at tinidor sa hapag. Nasa tabi ko si Zack at nasa harapan namin si Nicole at Mama. Samantalang, si Papa ay sa pinakagitna umupo.
"Zackael Kish Iland, Madam." He formally responded. He even lightly bowed his head.
"Iland..." ulit ni Papa sa apelyido niya na parang alam nito. "Mayaman kayo. Malalaki ang mga negosyo niyo, maparito man o sa ibang bansa."
"Those are my parent's businesses, Sir. I don't have my own yet."
"Oo nga. Ngunit, sa inyo pa rin mga 'yon." Mama joined the converstion. Hindi ko nga alam na may mga negosyo pala sila. Alam ko lang ay mayaman sila.
"If that's what you think, Madam."
Pormal na pormal ang pakikipag-usap niya sa pamilya ko. Mata sa mata at deritso ang sagutan nila.
"Kung gano'n ano ang pakay mo sa anak namin?"
"Makikikain lang po siya, Papa-"
"Manliligaw po ako sa panganay niyo, Sir." putol niya sa sabihin ko.
Mahina ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa pero hindi siya nagpatinag at kinuha ang kamay ko para hawakan iyon sa ilalim.
"Maraming babae ang pwede mong ligawan, Hijo. Mayaman, matalino at magaganda."
"Hindi po sila ang inyong anak, Sir," aniya sa madiin na tono. "Kung inaakala niyo pong laro-laro lang ito ang akin, papatunayan ko ho sa inyo na tunay po ang intensyon ko sa anak niyo."
"She's too young for love. Hope you understand my point, Hijo."
"I do, Madam." He forced a smile to Mama. "I can wait though... I need your permission."
Nabalot ng katahimikan ang hapag pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Unti-unti kong inilayo ang kamay ko sa hawak niya kaya napatingin siya sa akin. I can't stare at his eyes that long. Surely he will know what I feel now.
"Zack," tawag ko nang makabalik siya pagkatapos ng pag-uusap nila ni Papa.
Sa labas kami ngayon kung nasaan ang sasakyan niya naka park. Kasama namin ang mga magulang ko ngunit wala sa amin ang kanilang atensyon.
"Pumayag ang Papa mo." My eyes widened at his statement. Hindi ko inaasahan na napapayag niya si Papa.
"Pero may kondisyon."
"A-ano?"
"Kung mapapayag din kita," anito at tumingin sa madilim na kalawakan. He was standing in front of me as he stared at those stars. "Napapayag ko na ang mga magulang mo... ngayon ikaw naman." Binalik niya sa akin ang mga tingin. It was serious, I couldn't see more. "Miss, pwede ba kitang ligawan?"
BINABASA MO ANG
Jailed With You (Architect Series #4)
RomanceLyka Mae Maquiling is an Architecture student from Amstar University. SSG President, epitome of class, elegant as chandelier. Because of her ability to work on silence she became what she dream of. She once a dreamer, now an achiever. Zackael Kish I...