Muli kong sinipat ang buo kong repleksyon sa harapan ng salamin matapos kong maligo. Mahaba na ang buhok ko ngayong ilang taon nang hindi ginugupitan at matyaga kong ina-alagaan. Bahagya kong ipinaling ang ulo sa magkabilang direksyon nang ngangalay ito. Damn, ma-ayos naman ang tulog ko, ah? Bakit masakit ang katawan ko?!
I bit my lower lip and stared at my outfit of the day. An all-over denim catsuit and sneakers. My side lips rose up thinking this is my first time wearing this kind of dress. Muli akong natigilan nang maramdaman ko uli ang pag-ikot ng aking paligid. Huminga ako nang malalim at kinuha ang wayfarer at isunuot iyon habang palabas ng bahay.
May SSG meeting ngayon at hindi ako pwedeng lumiban dahil President ako Archi department. General naman yata kaya inaasahan kong lahat ng officer ay naroon.
"Late ka, Pres," paunang salita ni Next, Vice namin.
Nilapag ko sa aking kandungan ang bag bago inalis ang wayfarer na suot at binalingan siya. "Kanina pa nagsisimula?"
"Actually, magsisimula pa lang. Pogs ang mga head ng meeting, Pres!"
I chuckled at her. "Puro ka pogi," ismid ko pa.
Nilabas ko ang aking laptop habang naghihintay na magsimula ang meeting. Hindi ko pa pala natatapos ang pinapagawa ni Dean para sa debate kaya iyon ang pinagdidiskitahan kong pangkain ng oras.
Inangat ko lang muli ang ulo nang isang pamilyar na boses ang siyang aking narinig sa unahan. Dahan-dahan kong inangat ang mga tingin at diretsong nahanap ang mga tingin ni Lexel na nasa akin din. Mag-iisang taon na rin nang hindi ko sila Nakita ni Jian. I purposely avoided them for some reason.
Jian on the other side was quite too. Puro si Lexel ang naririnig kong magsalita sa harapan ng mga SSG officers. I sighed heavily nang matapos ang meeting na wala naman akong halos maintindihan dahil sa pagka-aligaga.
"Kamusta, Lyk?"
Palabas na ako ng center hall nang patigilin ako nang tanong ng dalawang lalaki sa aking likuran. Nagbuntong-hininga ako bago muling balingan ang dalawa. Ayokong maging bastos, after all, I considered them as my friends.
"I'm good!" I smiled at them. "It's been a long time, kayo? Kamusta?"
"Ah, yeah! We're good. Kamusta buhay Archi? Kaya pa ba?" si Jian at nagpakawala ng ngiti. Si Lexel naman parang gulat pa ang hitsura niya.
Mas lalong humigpit ang aking kapit sa sling ng bag at tumango sa kanilang dalawa.
"Kayang-kaya naman," peke akong tumawa. "Kayo? Kamusta Law-School?"
"As usual, thick and chic," sabay ngisi ni Lexel sa makahulugang sagot. "May klase ka pa ba? Kope tayo. Tagal nating 'di nagkita, e."
Luminga-linga ako sa paligid at timing naman nang makita ko si Carlo na papalapit sa amin. Malapad ang mga ngiting naka-ukit sa mga labi niya may mapang-asar na mga tinging nakapukol sa akin.
"A-ah, ano kasi... may pupuntahan kami ni Carlo," alibi ko sa dalawang na kay Carlo na ngayon ang mga tingin.
"Ay ang tagal!" parang gago na sabi ni Carlo. Muntik na akong matawa nang bumaling siya kay Lexel at Jian at kita ang kaba sa mukha niya. "Kaya pala matagal," pabulong niyang dagdag at tiningnan ako.
"Sige, Lyk. Ma-uuna na kami. Next time na lang at mukhang may date ka," si Lexel.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa at nauna nang maglakad. Tumigil lang ako nang nasa tapat na kami ng kotse. Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking 'to at bakit narito na naman siya?!
"Ano? Bakit ganyan ka makatingin?"
"Anong ginagawa mo rito?" I crossed my arms.
"Nagala lang. Pero nakita kita, e. Totoohanin na'tin 'yong sinabi nila."
BINABASA MO ANG
Jailed With You (Architect Series #4)
RomanceLyka Mae Maquiling is an Architecture student from Amstar University. SSG President, epitome of class, elegant as chandelier. Because of her ability to work on silence she became what she dream of. She once a dreamer, now an achiever. Zackael Kish I...