"Lyk, sandali naman," tawag ni Zack na sumusunod sa aking likuran palabas ng hospital.
Hindi ko alam kung ano pa ang dahilan niya para pumunta pa rito. Wala na siyang maloloko pa, total alam ko naman na ang totoo at ang mga nangyari sa nakalipas na taon was just a piece of shit! Ako na 'yung natulan sa aming dalawa noon at inaamin kong nagpadala ako sa mga sinasabi niya.
"Lyk, pakinggan mo naman ako-"
"Bullshit!" putol ko sa mga sasabihin pa niya. Hinarap ko siya at matalim na tinitigan. "Ano pa ba kailangan mo at bakit narito ka pa ha?! Hindi pa ba sapat na niloko, pina-asa at pinaniwala mo na ko noon, ha? Sabihin mo kung kulang pa lahat ng iyon, Zack! Tangina, ang dami kong problema pwede pabayaan mo na ako?"
He looked at me with his bloodshot eyes. Nagsisimula nang malaglag ang mga luha ko sa mga mata. He then reached for my elbow that I immediately pulled away.
"Let me explain, please... hear me out."
Pinunasan ko ang luhang nahulog galing sa mata at umiling sa kanya. "I can't. mas importante ang kapatid ko ngayon. Kaya umalis ka na at huwag mo na akong guluhin pa, Zack. Okay na ako."
"No, you are not okay. I can tell it through your eyes, Lyka."
"Then you can't do anything about it!" ani ko sa mas madiin na tono at bumaling sa parking lot kung nasaan si Carlo nakatayo at pasensyosong naghihintay sa akin. "Don't bother me anymore, Iland. Your explanation... save it. I don't need it."
I can still feel his stares hitting my back. Tinuloy-tuloy ko na ang paglalakad patungo kay Carlo. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib at doon lang nakahinga ng maluwag. Pinaling ko ang mga tingin sa labas ng bintana at nakitang hindi umaalis si Zack sa kinatatayuan at ang mga mata ay tumatagos sa bintana ng sasakyan kahit heavy tinted naman ito.
He looks more mature now. It's been a year, Zack... and I am not good seeing you again.
"Coffee, Madam?" si Carlo sabay bigay sa akin ng starbucks. May malapad na ngiti ang naka-ukit sa kanyang mga labi at maaliwalas akong tinitingnan.
Mabait naman si Carlo, gwapo at matalino rin. Kaya sa oras ng problema mas gusto ko siyang nakakasama dahil sa kanyang aura at presensya niyang nakakagaan ng kalooban. Kung pwede lang na kanya ako mahulog, e. Sayang at hindi natuturuan ang puso kung sino ang dapat na mahalin.
"Carl, have you ever been in love?" Tumingin ako sa gawi niya nang umubo ito. "Okay ka lang?"
"Hinay-hinay naman sa tanungan, Madam! Nakakabigla ka naman," tumatawa ito na nagpanguso sa bibig ko. "Why do you ask?"
I shook my head at sip on my coffee. "Huwag ka na lang magmahal, Carl. Kasi literal, pighati, sakit, daing, awit, ouch, pain, hinagpis, kirot,hapdi, pagtangis, at lumbay!"
Mas lalong lumakas ang tawa niya sa sinabi ko. "Para ka namang siraulo r'yan. Hindi nga naging kayo no'n, e!"
"Minahal ko siguro 'yon, Carl..." I bit my lower lip and stifle my tears to course. "Hindi naman importante ang label once you knew that you are committed to each other... but yeah, iba pa rin kapag may label."
"Halika nga rito, dali bigyan kita super-yakap to lessen your burden." Carlo grabbed my shoulder making me come closer to him. I just caught myself crying in his embrace. "I-iyak mo lang 'yan tapos laban uli, ah? Masama mamahinga sa parehong pahina," he whispered softly.
Having him in life is a blessing. Kahit palagi niya akong inaasar at kinukulit palagi, I would never ever get tired being with Carlo.
"Ms. Maquiling, may nakapagsabi sa amin na si Celestia ang siyang pasimuno nang pambubully sa kapatid mo. I did try reach out to her parents and they are willing to pay sa lahat ng gusto niyo. Sabihin mo lang kung magkano."
BINABASA MO ANG
Jailed With You (Architect Series #4)
RomanceLyka Mae Maquiling is an Architecture student from Amstar University. SSG President, epitome of class, elegant as chandelier. Because of her ability to work on silence she became what she dream of. She once a dreamer, now an achiever. Zackael Kish I...