"Dee, wala kang klase ngayon?"
Napatigil ako sa pag-aayos ng aking mga damit sa malaking cabinet sa aking condo at napatingin din tuloy sa mga kaibigang nag-uusap.
Umikot ang mata ni Dee at bumaba ang tingin nito sa malaking umbok sa kanyang tyan.
"Jian won't let me," she said sadly. "Buwanan ko na rin kasi."
Malakas na tumawa si Crisa sa sinagot ng kaibigan. "Ayan, pabuntis-buntis ka kasi agad!"
"Ano pa at nagpakasal sila ng kapatid mo?" nakisali na rin ako sa usapan nila. "Magtitigan na lang sa kama? Alam mo, Cring, kaya wala kang jowa hanggang ngayon dahil wala ka pa ring common sense."
"Huy, ikaw, ha!" asik niya at tinuro ako. I rolled my eyes at her and take back my attention on my things. "Akala mo naman ikaw mayroon, makapagsabi ka r'yan! Tsaka may boylet ako sa buhay ko."
"Mayroon ako. Hindi pa officially pero siguradong-sigurado na ako. Siya na papakasalan ko," malawak ang ngiting naka-ukit sa aking mga labi habang binibitawan ang mga salita.
"Naku! Naku! Paunahan pa tayo umabot sa simabahan, e!"
"Hay, naku, Lyka. Huwag ka makipaglaban kay Crisa, feeling ko next month buntis na rin 'yan sa boylet niya."
"Kilala mo, Dee?" takang tanong ko. She nodded and smiled strangely at Crisa. "Oh, my gash! Who is the unlucky man?"
"Should I tell her- aray ko, pota!" impit na sigaw ni Dee nang tumama sa mukha niya ang damit na binato ko.
"Gago, parang 'di kaibigan, ah? Sabihin mo na!"
"Si Carlo!" sigaw nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Shuta, seryoso ba? Hindi ko pa nakikita ang kaibigan kong 'yon simula nang makalabas ako sa kakulungan. Sa isang buwan kong pananatili sa loob ng selda nagiging outdated na ako sa buhay ng mga kaibigan ko.
"Hey, what are you doing here, Attorney?" I shut my brows at him. He was knocking in the middle of the night.
He lifted the paper bags in his hand making me see it as if it was the answer to my question.
"Have you eaten already, babe?"
I pursed my lips, feeling the sudden heat of my cheeks. I moved aside giving him his way to enter my condo.
"Hindi ka na dapat pumunta rito. It's late..."
"Uh-huh, but I wanna see you, may masama ba?"
"Gabi na nga, Kael!" giit ko at umupo sa high chair. "Pwede namang bukas ka na dumalaw rito," dagdag ko sa mahinang boses.
"Maliban sa gusto kitang makita, may sasabihin ako sa iyo..."
I waited for him to continue but comes nothing. Umikot na naman ang aking paningin.
"Ano?" I asked impatiently.
He chuckled and grabbed the chair in my front and sat down. "Na ang gwapo ko."
A lot of him changed but his humor and self-proclamation don't. Mahangin pa rin at mas lalong lumala pa.
"Bweset ka!" hinampas ko siya pero mabilis niyang akong inawat.
"Birthday ng aking pamangkin bukas and I am inviting you to go there with me," aniya at nagpakaba sa akin.
He probably felt my sudden nervousness. Akmang babawiin ko ang mga kamay ko sa kamay niya nang hinigpitan niya ang kapit dito.
He crouched a little towards me. Lalo niya lang dinadagdagan ang kabang namumuo sa loob ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"You should not have to worry about my family, Lyk. Matagal na nilang natanggap na ikaw ang mahal ko."
BINABASA MO ANG
Jailed With You (Architect Series #4)
RomanceLyka Mae Maquiling is an Architecture student from Amstar University. SSG President, epitome of class, elegant as chandelier. Because of her ability to work on silence she became what she dream of. She once a dreamer, now an achiever. Zackael Kish I...