Chapter 7

194 9 3
                                    

"Are you okay? What happened? Narinig kong may balak silang iligaw ka." Si Crisa nang kakapasok lang sa tent at agad akong binato ng mga katanungan tungkol sa nangyari. She even checked my body kung may sugat pa. Si Dee naman tahimik lang sa isang gilid at nakatingin sa akin ng may bahid ng awa ang mukha.

"I'm tired," tanging sagot ko.

"We can't let it slip. Akala nila, ah! Sino ba sila para ipahamak ka! Ni wala silang ambag sa buhay mo-"

"Let her rest, Cring. Bukas na natin pag-usapan ang pangyayaring ito," putol ni Dee sa kaibigan na halatang galit-galit.

"They don't have the right!"

"Bukas na nga lang, Cring!" ani Dee sa mas madiin na tono. "Bukas gumising ka nang maaga, batuhin mo 'yong tent nila Cheena!" dagdag nito at tinuro pa ang labas na animoy roon ang tent na sinasabi.

Nakita ko kung paano ngumuso si Crisa sa sinabi ni Dee. I know they are just concern about what happened. Hindi agad ako nakatulog sa dami ng iniisip.

Paano kung wala si Zack doon? Paano kung hindi niya ako nahanap? Paano kung nakita ako ng mga mapangahas na taong 'yon?

Hindi ko nga lang alam kung paano at bakit nila Cheena nagawa 'yon... si Arabelle... I need to talk to her.

Kinaumagahan, mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Paglabas ko ng tent walang tao ang paligid. I just wear my hoodie jacket and my pajama. Hinayaan kong ilugay ang buhok at nagpasyang lumapit sa kawayan na cottage.

My lips parted in shocked seeing my groupmates over taking their punishments. They were numbling numbers of times they pushed up. Nasa harap nila ang ilang members ng faculty kasama na rin si Jian at Zack.

"367..." pagod na bilang ni Arabelle. Paiyak na siya.

"Maquiling, you're awake."

Nakipot ko ang mga bibig nang marinig ang boses ni Jian. Napaangat ako ng tingin sa kanila at agad ding binawi ng makuha ko ang atensyon ni Zack.

Ang mga groupmates ko ay napaangat rin ng tingin sa akin. When my eyes darted at Cheena, she eyed me with anger.

"Cheena, make it 650 push ups."

Nakagat ko ang pang ilalim na labi ng marinig kung gaano kautoridad ang utos na iyon galing kay Jian. Nakita ko kung paano kumawala ang butil ng luha sa mukha ni Cheena pagkatapos marinig ang sinabi ng nakakataas.

"Maquiling, please follow me."

"Y-yes, Sir."

I was walking behind Zack. deri-deritso at payapa ang paglalakad niya hanggang sa marating namin ang likurang bahagi ng lugar. Sa hindi kalayuan nataw ko ang mga kaibigan at ang ibang bahagi ng team building na ito. Nagsisimula na pala ang activities ngunit hindi man lang ako ginising ng mga kaibigan. 

"Sorry na late ako. Hindi ako nakasali sa activities, Sir." 

He faced me with his serious face. His thick brows formed in one line and eyes directly staring at me.

"How's your feeling?" 

"Po?"

"Kamusta ka?" ulit niya. 

"Ah, maayos naman."

"What do you want to do to them?" tanong niya, particularly pertraining to my teammates. 

"I want to talk to them. Cheena and her friends with Arabelle." 

"That's all?" 

"Yes, Sir." Tumango ako. "Lahat madadala sa matinong usapan."

Jailed With You (Architect Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon